• Home
  • Fresh Scoops
  • Rochelle Pangilinan, ‘balik-alindog’ matapos magsilang ng kanyang unang anak

Rochelle Pangilinan, ‘balik-alindog’ matapos magsilang ng kanyang unang anak

Sinabi ni ex-Sexbomb dancer Rochelle Pangilinan na road to fitness naman ang pinagkakaabalahan niya ngayon matapos niyang isilang ang kanyang unang baby.

BY JEFF FERNANDO

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

6/20/2019 9:22 AM
Rochelle Pangilinan, ‘balik-alindog’ matapos magsilang ng kanyang unang anak


Photo credit: @rochellepangilinan on Instagram

Matapos magsilang ng kanyang unang anak, road to fitness ngayon ang target ni Rochelle Pangilinan.

Sa kanyang bagong social media post, special mention ng dating Sexbomb dancer ang kanyang mister na si Arthur Solinap, na very supportive sa kanyang pagbabalik alindog.

Ayon pa kay Rochelle masaya din siya sa mabilis na resulta ng kanyang unti-unting pagbalik sa kanyang sexy na pangangatawan.

"My post partum body, walang makakaligtas. And I love it! Kasama yan sa napakadaming pagdadaanan bilang isang ina ... pagkatapos kong manganak mukha pa rin akong 9 months preggy, 

"Aanhin ko ang sexy na pangangatawan kung wala naman si Shiloh pero 1 hour light exercise lang everyday at sa tulong ng asawa ko @arthursolinap (siya muna ang bantay), kahit papaano ay maibabalik ko din ang dating weight. 

"Unti-unti, konting push, tiyaga at sipag na din, napa-smile na lang ako ng makita sa salamin na medyo ok na pala,kaya tara na! Puuuuush!" sabi ng dancer-actress sa kanyang post.   

 

Pebrero nitong taon nang isilang ni Rochelle ang kanyang unang anak na pinagalanan niya Shiloh Jayne.

READ: Rochelle Pangilinan shares first look at newborn daughter

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

Hindi madaling manganak,napakahirap! Kaya sa lahat ng Nanay saludo ako sa inyo! Lalo na sa nanay ko! Grabe!! ngayon medyo napapadali ang pag recover ko sa tulong ng asawa ko,emotionally,physically,financially(😅😜). Sa kabila ng sunod sunod na trabaho mo Bhe , paguwi mo sa bahay sinisigurado mong may time ka sa kin at kay Shiloh,sinisigurado mong kumain na ko o di kaya ay sabay tayong kakain,sinisigurado mong nakatulog na ko o kaya ikaw muna magaalaga kay baby para lang makatulog ako,sinisigurado mong nabuhat o naamoy mo si baby,napalitan mo sya ng diaper at nakipaglaro ka na sa kanya bago o pagkatapos ng trabaho,grabe ang pasasalamat ko ngayon sa Diyos dahil ikaw ang ibinigay nya sa min,Thank you soooo much sa pagaalaga sa kin... sa amin ni baby.. I love you Bhe!!!! @arthursolinap @shilohjayne

A post shared by Rochelle Pangilinan (@rochellepangilinan) on

 

Ikinasal noong August 2017 sina Rochelle at Arthur sa Tagaytay.