• Home
  • Fresh Scoops
  • Restored version ng 1941 film ‘Ibong Adarna,’ ipapalabas sa Cinema One

Restored version ng 1941 film ‘Ibong Adarna,’ ipapalabas sa Cinema One

Bukod sa restored version ng mga classic Filipino films, nakatakda ring ipalabas sa Cinema One ang ilang blockbuster movies ng nakaraang taon, tulad ng ‘Fantastica,’ ‘Exes Baggage,’ at ‘The Hows of Us.’

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

6/20/2019 8:22 AM
Restored version ng 1941 film ‘Ibong Adarna,’ ipapalabas sa Cinema One


Posters credit to IMDb

Sa pagdiriwang ng ika-25th na anibersaryo ng Cinema One, inanunsyo ng channel head nito na si Ronald Arguelles ang ilang mga bagong pelikula at bagong restored na classic Filipino films na aabangan ngayong taon. Ilan sa mga nakatakdang ilabas na mga pelikula ay ang ilang high-grossing Filipino films tulad ng Fantastica, Exes Baggage, The Hows Of Us, at iba pa. 

"Ang dami naming naka-line up for this year. Yung mga malalaking pelikula na ipinalabas 80% siguro ng pinalabas noong Metro Manila Film Fest, ipapalabas na starting July and August. Lahat nang ipinalabas na bago ng Regal (Entertainment) ipapalabas [din]," sabi ni Ronald sa interview ng press kahapon, June 19.

Bukod sa mga bagong labas na pelikula, naka-line up din ang mga restored version ng pinaka-lumang pelikula sa kanilang archives, ang Ibong Adarna (1941). Ipapalabas ito sa kaparehong araw ng The Hows of Us, sa June 30. 

Bilang opisyal na ring miyembro ng ABS-CBN Films ang naturang cable channel ngayong taon, makakaasa ang mga viewers nito ng mga bagong partnership mula sa mga pelikula ng Star Cinema, Black Sheep, at ABS-CBN Film Restoration.

 

Karagdagan sa TV Broadcast, nagsisimula na ring gamitin ng Cinema One ang YouTube, iWant, at iba pang streaming websites at app, para sa kanilang mga pelikula.

"We hope to collaborate with more platforms sa ABS-CBN like iWant. We're also going digital so we're very active sa YouTube. We'll be showing some films pero hindi naman lahat, kasi yung repository talaga ng maraming pelikula ay sa cable channel pa rin," paliwanag ni Ronald. 

Samantala, nang tinanong naman kung ano ang mga bagong update para sa pinakamalaking nilang event na Cinema One Originals, "Mayroon kaming mga international films na nanalo sa mga festivals, aside from the 8 competing films na local. Mayroong LGBT films, horror, comedy film. At this point nasa casting stage pa lang kami," sagot niya.

Panoorin dito ang bagong version ng theme song ng Cinema One, na kinanta ni Daniel Padilla:

Magaganap sa November ang Cinema One Originals Film Festival.