• Home
  • Fresh Scoops
  • Heart Evangelista, napasabak sa action sa international movie

Heart Evangelista, napasabak sa action sa international movie

Aminado si Heart na hindi madali ang naging proseso ng kanyang international action film.

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

6/20/2019 3:52 PM
Heart Evangelista, napasabak sa action sa international movie


Masaya ang ngiti at glowing ang TV host-actress na si Heart Evangelista sa launching ng kanyang bagong whitening endorsement.

Dito, ikinuwento ni Heart na hindi biro ang kanyang experience sa bagong proyekto na isang action movie.

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

Heart Evangelista @iamhearte nagbigau update sa kanyang upcoming movie project sa China #heartevangelista #pushganaps

A post shared by Push (@pushalerts) on

 

Ayon kay Heart, walang extra o double ang kanyang mga action scenes.

Only pag kunwari may basagan, ng totoong bubog ganyan, but they really wanted you to do it, so sugatan ako, iniiyakan ko nga e ‘sabi ko nga ‘ano ba itong pinasok ko?’ But you know, when I saw the scenes, it’s really rewarding,” tugon ni Heart sa press. 

Inilarawan din ng aktres ang kanyang working experience sa upcoming international movie project.

Yes sobrang iba, pagod ka pero sakto ‘yung pagod mo kasi doon parang you only work for about 10 hours so kumbaga, ‘yun lang ‘yung gagawin mo. So kung talagang mabigat ang eksena pagod ka pero ‘yung hindi mo na kaya,” aniya.

Dahil sumabak sa action stunts, proud na proud sa kanya ang kanyang mister na si former senator at ngayo’y Sorsogon governor Chiz Escudero.

He was so proud, he was so proud of me, kasi out of character ‘yung ginawa ko and siya din ‘yung iniiyakan ko ‘pag nahihirapan ako, kasi na homesick din ako. It’s just hotel, studio, hotel studio and no time to do anything else,” sabi pa niya. 

At kahit hindi pa showing ang kanyang unang action movie, handa na din ang kasunod na pelikula na kanyang gagawin.

The next movie is actually the book two of that movie, (wow!) kaya nga e sabi ko ‘shocks ‘may book 2 na, hirap na hirap ako’ but I’m happy,” pahayag pa ni Heart.

 

 

Sa huling bahagi ng 2019 nakatakda ipalabas ang premiere ng pelikula ni Heart, na unang mapapanood sa Hong Kong at Los Angeles, USA.