Boy Abunda answers ‘Ano na po ang next for KathNiel?’

Boy Abunda, sinagot ang tanong ng isang netizen tungkol sa Kathniel.

BY CRISTINA MALONZO-BALANE

Follow me on ig and tw: @kwentoph

FRESH SCOOPS

6/20/2019 8:31 AM
Boy Abunda answers ‘Ano na po ang next for KathNiel?’


Sa Tonight with Boy Abunda, sinagot ni King of Talk and host Boy Abunda ang tanong ng isang netizen tungkol sa tambalan nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla. Tanong ng netizen, “Support naman po ako sa KathDen (Kathryn Bernardo and Alden Richards), pero ano na po ang next for KathNiel?” 

LOOK: Kathryn Bernardo and Daniel Padilla enjoy some quality time in Morocco 

Una inamin ni Tito Boy na maging siya ay fan ng KathNiel. “Hindi po lingid sa inyong kaalaman that I’m a big fan of DJ and Kat.  Gusto ko magkasama sila sa tunay na buhay, personal saka sa propesyonal na kanila pong mga ginagawa,” ani Tito Boy. 

Pero kahit na fan si Tito Boy ng KathNiel ay alam daw niyang para rin sa ikakabuti ng dalawa ang magkaroon ng separate projects. “Tanggap ko na mas makabubuti po sa kanilang dalawa na gumawa rin ng separate projects. As actors they need to grow individually,” sabi pa ni Tito Boy. 

Napanuod din ni Tito Boy ang ilang eksena sa Hello, Love, Goodbye na pinagbibidahan ni Kathryn at Alden Richards at isang papuri ang ibinigay ng batikang host sa naging performance ni Kathryn. “Get ready for Kat’s greatest performance,” ang sabi ni Tito Boy. 

Mapapanuod rin daw ang KathNiel sa pagpunta ng ASAP Natin ‘To sa ASP Center sa San Jose California sa August 3.