• Home
  • Fresh Scoops
  • Arron Villaflor sa pagiging single ngayon: ‘Mahina ako sa love’

Arron Villaflor sa pagiging single ngayon: ‘Mahina ako sa love’

Kahit na aminadong single, masaya at 'peaceful' naman ngayon si Arron Villaflor.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

6/20/2019 8:53 AM
Arron Villaflor sa pagiging single ngayon: ‘Mahina ako sa love’


Photo credit: @arronvillaflor05 on Instagram

"Very peaceful ang puso ko ngayon," ito ang sagot ng Kapamilya actor na si Arron Villaflor nang kumustahin ang kaniyang buhay pag-ibig ng mga momshie-hosts nitong Martes, June 18. Sa kaniyang interview sa episode ng Magandang Buhay, ibinahagi rin ng aktor ang mga natutunan niya mula sa mga nakaraang nakarelasyon.

"During nung mga naka-relasyon ko, or exes ko before, natutunan ko siguro—how to handle time properly, time for my family, for myself.

"Aaminin ko, may one time na mas priority ko yung [love life] kaysa sa family ko. So medyo nagtampo rin sila sa akin. Pero ngayon okay na," paliwanag ni Arron na naging tahimik sa pagbibigay ng pangalan tungkol sa mga artistang naka-relasyon niya. 

Taong 2017 nang huling mapabalitang exclusive na nakikipag-date si Arron kay Jane De Leon.

READ: Former GirlTrend Jane De Leon admits exclusively dating Arron Villaflor

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

10ᴋᴍ ✔️

A post shared by ᗩᖇᖇOᑎ ᐯIᒪᒪᗩᖴᒪOᖇ (@arronvillaflor05) on

 

Bukod sa tamang pag-balanse ng oras, naging aral din daw kay Arron ang maayos na komunikasyon sa mga naging nobya niya. "Importante siguro na mag-adjust kayo on both sides. Kasi hindi naman laging lalake, o yung babae. Mas maganda na nagmi-meet kayo halfway lagi," dagdag niya.

Sa kabila ng pagiging single, nananatili namang masaya ang aktor lalu pa't ngayon na may magandang nangyayari sa kaniyang karera. "Nakakatuwa kasi yung mga nangyayari sa akin ngayon, sobrang balanse lahat," pagpapatuloy niya.

READ EXCLUSIVE: Arron Villaflor, may mensahe para sa kanyang "baby love" na si Dawn Chang

Maaalalang kamakailan ay nanalo ng Best Supporting Actor Award si Arron sa nakaraang Cinema One Originals Film Festival para sa kaniyang role sa Mamu: And a Mother Too. Sa parehong pelikula rin ay nominado ang aktor sa FAMAS 2019.

Mapapanood pa rin sa mga sinehan ang pelikulang Clarita, kung saan ay kasama si Arron sa cast na pinagbibidahan ni Jodi Sta. Maria.