• Home
  • Fresh Scoops
  • Alyssa Muhlach, may requirement sa mga balak manligaw sa kanya

Alyssa Muhlach, may requirement sa mga balak manligaw sa kanya

Inamin ni Alyssa Muhlach na hindi pa siya nagkakaroon ng boyfriend.

BY CRISTINA MALONZO-BALANE

Follow me on ig and tw: @kwentoph

FRESH SCOOPS

6/20/2019 8:45 AM
Alyssa Muhlach, may requirement sa mga balak manligaw sa kanya


Sa Tonight with Boy Abunda, sinagot ni Clarita cast member Alyssa Muhlach kung paano niya hinandle ang separation ng kanyang mga magulang na sina actress Almira Muhlach at former PBA superstar Bong Alvarez. 

WATCH: Alyssa Muhlach, makakasama si Jodi Sta. Maria sa isang bagong pelikula
 
Inamin ni Alyssa na nagalit siya noon sa Papa niya. “Yes. How I wish na parang pinili niya kami. We’re three girls po kasi. Since ako po yung panganay parang I became the bridge between the two … (Like) Ma sabi Papa, Pa sabi ni mama…”

Dahil din daw panganay sa magkakapatid si Alyssa ay protective siya sa kanyang sisters. Pero dahil din sa separation ng kanyang parents kung kaya mas matatag si Alyssa ngayon. “I’ve become the stronger and more selfless person that I am now,” ani Alyssa. 

Supportive din kay Alyssa ang Tito Aga (Muhlach) niya at Tita Charlene (Gonzales) niya. “Si Tito Aga and Tita Charlene, they supported me when I was in Miss World Philippines, nung sumali po ako last year,” kuwento ni Alyssa. 

Kasama naman sa isang upcoming teleserye si Alyssa kung saan makakatrabaho niya si JM De Guzman at Kiko Estrada. Paano kaya kung ligawan siya ni JM? “Hindi po kasi ako yung type of girl who just dates around. When I date or ‘pag nagpaligaw po ako, it’s really like a commitment to me. Like it’s a serious relationship,” sagot ni Alyssa. 

“I also want to be with someone who respects my family, my Mom and Dad na magpapaalam (siya)… so kung kaya niyang gawin yung process na yun,” dagdag pa ni Alyssa. 

Rebelasyon pa ni Alyssa, hindi pa siya nagkakaroon ng boyfriend.