• Home
  • Fresh Scoops
  • WATCH: Julia Barretto, hindi sinagot ng diretso ang tanong na kung siya ba ay in love

WATCH: Julia Barretto, hindi sinagot ng diretso ang tanong na kung siya ba ay in love

Julia Barretto ibinahagi ang mga ilang pananaw tungkol sa kasal at pag-ibig sa kaibigang si Erich Gonzales.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

6/3/2019 1:27 AM
WATCH: Julia Barretto, hindi sinagot ng diretso ang tanong na kung siya ba ay in love


Photo credit: @juliabarretto on Instagram

Naging tapat sa kanyang mga sagot ang Kapamilya actress na si Julia Barretto sa mga tanong ng kanyang matalik na kaibigang si Erich Gonzales. Sa bagong vlog episode ni Erich, sumabak si Julia sa ‘True or False’ challenge at sinagot ang ilang mga katanungan tungkol sa pag-ibig at kasal. 

There‘s some phases na yes, I wanted to get married before 30, tapos mayroon din akong isang phase na mas gusto ko na lang muna ng anak bago magpakasal - but no judging, can‘t judge,” sagot ni Julia sa isang tanong ni Erich. 

Dagdag ng aktres, may mga panahong natatakot siya sa kasal, at may ilang panahong naman naniniwala siya dito. "But it depends really who you are surrounding with and by,” ani Julia. 

“Pero kung ikakasal ako, sana talaga before 30. Siguro [kung] 22 ako ngayon, mga six years from now, I can get married, pero I‘m really, mas naglu-look forward to have a baby. Dream ko talagang maging mother,” paliwanag pa ng Block Z actress. 

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

Thank you @philstarsupreme! 🖤

A post shared by Julia Barretto (@juliabarretto) on

 

Read:‘It shouldn’t be an issue’: Julia Barretto opens up about onscreen kiss with Gerald Anderson

I‘m not trying to say that I'm not in love with anybody. I‘m just in love with the peace that I gain,” agad na sagot nito. 

Now I have peace. It‘s been good at work, it‘s been good with my friendships with other people, and my relationship with my family. Sila ang unang unang makakapagsabi kung you‘re being yourself. For a while kasi hindi na ‘ko by myself, so now I‘m in love with the person that I am, that I found,” paliwanag pa niya. 

Sa sagot ng aktres, hindi naman napigilan ng isang netizen mula sa top comments, na magtanong sa estado nila ngayon ng napapabalitang boyfriend, ang ka-love team na si Joshua Garcia. 

 

 

Panoorin ang buong video dito:

 

 

Aabangan ngayon si Julia bilang isa sa mga bida sa zombie movie na Block Z. Bukod kay Joshua, makakasama niya rito sina Maris Racal, Mccoy De Leon, at Yves Flores.