• Home
  • Fresh Scoops
  • Maja Salvador, nilinaw na hindi niya pinsan si Janella Salvador

Maja Salvador, nilinaw na hindi niya pinsan si Janella Salvador

Ipinaliwanag ng Kapamilya actress na si Maja Salvador ang ‘relasyon’ nila ng bago niyang makakasama sa teleserye na si Janella Salvador.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

6/3/2019 1:06 AM
Maja Salvador, nilinaw na hindi niya pinsan si Janella Salvador


Photo credit: @iammajasalvador L & @superjanella R on Instagram

Sa unang pagkakataon magsasama ang dalawang Salvador ng Kapamilya Network para sa isang teleserye, sina Maja at Janella. Mula sa Instagram stories na inilabas ni Maja sa kanyang sariling account, dumaan na sa story conference at look test ang dalawa, kasama rin ang isa sa mga cast na si Joshua Garcia.

Read:Maja Salvador, balik teleserye kasama sina Janella Salvador at Joshua Garcia

Bilang kilala sa parehas na apelyido, nilinaw naman ni Maja na hindi niya pinsan si Janella. “[Yung] lolo ko at -- sana tama ako -- lolo niya, magkapatid, so malayo. Pero ‘pag pinagdugtung-dugtong mo, magkamag-anak pa rin kami,” mabilis na paliwanag ni Maja sa interview bago siya mag-perform sa Tatak Star Magic event kahapon, June 2. 

Dagdag ni Maja, hindi rin maiituturing na second degree cousins ang layo ng pagitan nila ni Janella. “Hindi (second cousin). Tita niya ata ko?” biro ng aktres. 

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

📽🎬

A post shared by MAJA (@iammajasalvador) on

 

Pinuri naman ng Dance Princess ang kakayahan ng kanyang magiging co-actor para sa bagong teleserye na si Joshua Garcia. “Nakakanood po ako ng clips [niya]. Mahusay na artista. 

“Etong teleserye namin, abangan niyo kung ano ang kwento, pero siyempre hindi ako yung love interest niya (Joshua). Ibang-iba siya sa Wildflower. I mean kung naloka kayo sa Wildflower mas nakakaloka ito,” patuloy na kuwento ni Maja. 

 

 

Sa ngayon, may tentative title ang naturang teleserye na The Killer Bride. Ito ang pagbabalik teleserye ni Maja, matapos ang Wildflower noong nakaraang taon. 

Samantala, sa parehong interview ay ibinahagi ni Maja ang mga dapat abangan sa kanyang bagong labas na Youtube channel. 

LOOK:Maja Salvador joins the world of vlogging

“Hindi nila ako makikita doon na glamorosa kung pa‘no yung pormahan ng artista. Mas kung ano yung free time ko, kung ano yung rest day, mga bakasyon ‘yun ang makikita nila sa vlog ko,” pahayag ni Maja.