• Home
  • Fresh Scoops
  • EXCLUSIVE: Barbie Imperial tinitipid ang sarili para makabili ng bahay

EXCLUSIVE: Barbie Imperial tinitipid ang sarili para makabili ng bahay

Naudlot ang pagbili ni Barbie Imperial ng bahay dahil sa lindol.

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

6/2/2019 4:00 PM
EXCLUSIVE: Barbie Imperial tinitipid ang sarili para makabili ng bahay


Photo credit: @msbarbieimperial on Instagram

Naudlot ang pagbili ng bahay ni Barbie Imperial sa isang subdibisyon sa Quezon City dahil sa magnitude 6.1 na lindol noong April 22. Nasa fault line daw kasi yung area kung saan siya may plano sanang mag-invest para sa bahay at lupa.

May fault line. Natakot ako,” pagtatapat ni Barbie na kasama sa latest film ng Regal Entertainment na Finding You.

Patuloy niya, “Yung tatay ko kasi close ko na siya ngayon, so, nung bibili ako, sabi niya ba’t daw ako nagmamadali. Sabi ko, sayang yung renta, eh, kung don ko na lang nilalagay sa bahay, di ba?

“Sabi niya, ‘Wag kang magmadali kasi forever na yan.’ So, ako naman, lumindol, tapos yung place nga may fault line, so ‘Uy, buti na lang.’

“Yung dad ko engineer siya. So, sabi ko, ‘Papa kaya mo pa ba?’ Medyo matanda na rin kasi. Sabi niya, papagawan niya daw ako ng sketch kaya medyo na-excite ako sa thought na yung tatay ko isa siya sa magtutuloy ng pangarap ko.”

Dahil din daw sa nangyaring lindol kaya naisip din niya na huwag talagang madaliin ang pagbili ng bahay.

“Ayoko din magmadali. Pero balak ko naman if ever na bumili ako, yung bahay na yon hindi pa sa akin, kay mama muna,” lahad pa niya.

Ganun na ba kalaki ang naipon niya para makabili ng bahay?

“Di pa naman ganun kalaki… hindi naman,” sabay tawa niya.

“At saka hindi ako maluhong tao, eh. Siguro yung mga bags na meron ako, may nagbibigay, mga online shop… ganun. Yung iba naman galing sa mga tita ko. Tapos kung bibili lang ako dapat may discount, siyempre, so nakakaipon talaga ako.

“Hindi ako magastos na tao, eh. May bank account ako na sa ipon ko, tapos maglalagay lang ako sa (atm) card ko ng para sa isang buwan, tapos titipirin ko na yon para may naiipon ako. Pero hindi naman to the point na ipon na ipon na tinitipid ko na yung sarili ko,” sambit uli ni Barbie.

Saan ba niya nakuha ang ganung attitude?

“Ay siyempre, galing tayo sa hirap, eh. Siyempre, ayoko nang bumalik don,” katwiran pa niya.