TIGNAN: Apo Whang-Od, featured sa French festival

Tampok ang sikat na Filipino tattoo artist na si Apo Whang-Od, o kilala bilang Maria Onggay, sa Rio Loco music festival na ginanap noong nakaraang linggo sa Toulouse, France.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

6/19/2019 2:15 PM
TIGNAN: Apo Whang-Od, featured sa French festival


Photo credit: Whang Od/ Stephanie Ledoux Facebook

Tampok ang sikat na Filipino tattoo artist na si Apo Whang-Od, o kilala bilang Maria Onggay, sa Rio Loco music festival na ginanap noong nakaraang linggo sa Toulouse, France.

Sa kanyang Facebook post nitong Biyernes, makikita ang black-and-white portrait ng tinaguriang “Ang Huling Mambabatok” bilang isa sa mga tampok na artworks ng French artist na si Stephanie Ledoux sa nasabing event.

Aniya sa caption na isinalin sa English ng Google Translate, “Apo Whang OD, my filipino tatoueuse... barely finished and already displayed at the Dillon course for the Festival Rio Loco. If only she could see this!”

Sa isa pang post ay nagbahagi si Stephanie ng sneak peek ng kanyang painting ni Whang-Od isang araw bago ang festival. Ayon sa kanyang caption, nakilala niya ang 102-year-old pride ng Buscalan, Kalinga noon lamang nakaraang Pebrero.

“In the last few days, it has been the countdown to make my great canvas of Apo Whang-od, the mythical [artist] of Kalinga, Philippines, [who I] met in February. [It] is finished in time for the Festival Rio Loco!”

READ: Kalinga tattoo artist Apo Whang-od is officially a national artist

Noong nakaraang taon ay ganap nang pinangalanan si Apo Whang-Od bilang national artist ng National Commission for Culture of the Arts (NCCA). Siya ay pinarangalan ng 2018 Dangal ng Haraya Award for Intangible Culture Heritage noong ika-25 ng Hunyo sa Kalinga Capitol Plaza sa kanyang hometown na Tabuk, Kalinga.