• Home
  • Fresh Scoops
  • Jake Cuenca, inaming ‘ready na sa future’ kasama si Kylie Verzosa

Jake Cuenca, inaming ‘ready na sa future’ kasama si Kylie Verzosa

“Oo naman,” agad na sagot ni Jake Cuenca nang tanungin kung handa na ba siya sa future kasama ang kaniyang nobya na si Kylie Verzosa.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

6/19/2019 4:23 PM
Jake Cuenca, inaming ‘ready na sa future’ kasama si Kylie Verzosa


Photo credit: @juancarloscuenca on Instagram

Matapos aminin ng Kapamilya actor na si Jake Cuenca na may pitong buwan na silang magkarelasyon ng co-actress niya sa Los Bastardos na si Kylie Verzosa ay humarap naman ang aktor sa mga momshie-hosts sa isang episode ng Magandang Buhay

READ: Jake Cuenca inamin na pitong buwan na silang masaya ni Kylie Verzosa

“Siyempre makakasagot lang naman ako para sa akin. Sabi ko naman din, na - mahal na mahal ko talaga siya,” sabi ni Jake nang walang pagtanggi sa tuwing binabanggit na sila na nga ni Kylie sa episode ng morning talk show nitong Martes, June 18.

Kuwento pa ng aktor, nagsimula ang pagka-crush niya sa Miss International 2016 noong unang nagkasama sila sa pelikulang Ang Panday. 

“Yung totoo niyan, noong [nagka-trabaho kami sa] Panday diring-diri siya sa akin, kasi mahaba pa buhok ko.” 

“Medyo nagpapa-pogi na noon, pero di umuubra,” sabi ni Jake.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

@mega_magazine . 📷 @shairaluna #megaequalityball

A post shared by Jake Cuenca (@juancarloscuenca) on

 

READ: Jake Cuenca, Kylie Verzosa kiss in a video  

Nang tinanong naman ang aktor kung sigurado na siya at handa na para sa 'future' kasama si Kylie, agad na sinagot nitong, “Kung ako ang tatanungin, oo naman.” 

Dagdag ni Jake nakatulong sa kaniya ang pagiging single sa loob ng dalawang taon para paghandaan ang kasalukuyang relasyon niya kay Kylie.

“Nung sinabi kong magfofocus ako sa career ko, nagawa ko, nakapag teatro ako, nakapag pelikula, naka-tatlong telserye akong dire-diretso.”

“Masasabi ko na sa proseso ng dalawang taon na yon, parang ngayon, ready na talaga ako. Handa akong alagaan siya,” pahayag ni Jake na ikinakilig ng mga momshie-hosts at studio audience. 

Lalo namang naghiyawan sa kilig ang studio audience nang magpalitan ng mensahe ang dalawa mula sa sorpresang video greeting ni Kylie. 

Patuloy na mapapanood si Jake at Kylie bilang Isagani at Dulce sa teleseryeng Los Bastardos araw-araw.