Ex-Hashtag member Jon Lucas wala na sa Star Magic

Inamin ng aktor na si Jon Lucas na lumipat na siya ng management matapos ang ilang taong pamamalagi sa ilalim ng Star Magic.

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

6/19/2019 6:59 PM
Ex-Hashtag member Jon Lucas wala na sa Star Magic


Photo credit: @lucas_aljhon on Instagram

Inamin sa amin ni Jon Lucas, dating miyembro ng all-male group na Hashtags na napapanood sa It’s Showtime na wala na siya sa Star Magic.

“Matagal na po,” mensahe niya sa amin ng maka-chat namin sa Messenger.

Hindi naman idinitalye sa amin ng aktor kung kelan siya nawala sa Star Magic.

Bago namin siya naka-chat ay napansin din namin ang mahabang post ni Jon sa kanyang Facebook account. Nagpasalamat siya sa mga naging kapamilya niya sa Star Magic at It’s Showtime.

 “Hello Kapamilyas all around the World! Just wanna say thank you for everything! Thank you for the love that you gave me and my family. Thank you for the wonderful 6 years you've given me!

“I will forever be grateful and blessed to be part of your wonderful Family! Maraming salamat sa mga oportunidad na binigay niyo sakin. Oportunidad na totoong nagpabago sa aking buhay bilang isang tao. Mga oportunidad din na sinayang ko ng maraming pagkakataon.

“Alam ko kung gaano niyo ko pinahalagahan noong una akong tumapak sa inyong tahanan, ramdam ko yon at ng aking buong pamilya. Ngunit alam ko rin na ako'y lubos na nagkulang sa inyo, lalo na sa mga taong malalapit sakin, na noong una ay labis labis ang pagtulong sakin para maabot ko ang aking mga pangarap. 

WATCH: Push TV: Meet Jon Lucas’ wife and child

“Lubos po akong nagpapasalamat sainyo! Salamat sa sakripisyo at pang-unawa na hindi matatawaran. SALAMAT SA LAHAT NG MGA BOSS! MARAMING SALAMAT SA STARMAGIC FAMILY KO!! MARAMING SALAMAT SA IT'S SHOWTIME FAMILY KO na mga naging Kapamilya kong tunay sa mga nagdaang taon,” litanya ni Jon sa kanyang post.

Maging ang fans na sumusuporta sa kanya ay pinasalamatan din ni Jon.

“SALAMAT SA MGA FANS! Na naging tunay na kaibigan at kapamilya! Kung may pinakamahusay magtiyaga para sa taong mahal nila, ay KAYO YON!

“Hindi matatawaran ang hirap at pagod niyo para lamang sa 'min. Hindi namin kailanman masusuklian yung efforts niyo! Ang kaya lang namin gawin ay mahalin din kayo tulad ng pagmamahal niyo samin,” post ulit niya.

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

Hello Kapamilyas all around the World! Just wanna say thank you for everything! Thank you for the love that you gave me and my family :) Thank you for the wonderful 6 years you've given me! I will forever be grateful and blessed to be part of your wonderful Family! Maraming salamat sa mga oportunidad na binigay niyo sakin. Oportunidad na totoong nagpabago sa aking buhay bilang isang tao. Mga Oportunidad din na sinayang ko ng maraming pagkakataon. Alam ko kung gaano niyo ko pinahalagahan noong una akong tumapak sainyong tahanan, ramdam ko yon at ng aking buong pamilya. Ngunit alam ko rin na ako'y lubos na nagkulang sainyo, lalo na sa mga taong malalapit sakin, na noong una ay labis labis ang pagtulong sakin para maabot ko ang aking mga pangarap. Lubos po akong nagpapasalamat sainyo! Salamat sa sakripisyo at pang-unawa na hindi matatawaran. SALAMAT SA LAHAT NG MGA BOSS! MARAMING SALAMAT SA STARMAGIC FAMILY KO!! MARAMING SALAMAT SA IT'S SHOWTIME FAMILY KO na mga naging Kapamilya kong tunay sa mga nagdaang taon. Salamat sa Malupit kong handler na si Ate Gidget Dela Cuesta. Sa loob ng anim na taon na katigasan ng ulo ko eh tinuring niya ako bilang anak (na pasaway) 😂 gayunpaman Maraming salamat sa mga payo at saway mo! Salamat sa lahat ng Road Managers ng Starmagic na matiyaga kaming iningatan at inalagaan! Salamat din sa mga kaibigan ko sa industriya! Diko na kayo iisa-isahin basta lahat ng nakatawanan ko, nakasama ko sa kalungkutan, sa kalokohan, sa mga meetings na malapit na kamo kami alisin! kayo ay tinuring kong mga kaibigan. DABEST KAYO!! Salamat din sa mga Marshalls, Art Dept, CamDept, Utilities, Security Guards, at sa mga Masisipag na tagapaglinis ng TAHANAN ng ABS-CBN! Kahit hindi tayo magkakakilala basta magkasalubungan tanguan agad na parang may secrets tayo sa isat isa 😂😂😂Mamimiss ko kayo kabatian pag magkakasalubong tayo! SALAMAT SA MGA FANS! Na naging tunay na kaibigan at kapamilya! Kung may pinakamahusay magtiyaga para sa taong mahal nila, ay KAYO YON! Hindi matatawaran ang hirap at pagod niyo para lamang samin. Hindi namin kailanman masusuklian yung efforts niyo! Ang kaya lang namin gawin ay mahalin din kayo tulad ng pagmamahal niyo samin!

A post shared by Jon Lucas (@lucas_aljhon) on

 

Nang tanungin namin kung sino na ang bagong manager niya ngayong wala na siya sa Star Magic, aniya, “Nag-sign na po ako last month kay Tita Becky Aguila.”

Si Becky ang manager nina Jennylyn Mercado, Empress Shuck at Andrea Brillantes.