• Home
  • Fresh Scoops
  • Bakit laging magkahiwalay ng tent sina Beauty Gonzalez at Dimples Romana sa set ng Kadenang Ginto?

Bakit laging magkahiwalay ng tent sina Beauty Gonzalez at Dimples Romana sa set ng Kadenang Ginto?

"We just wanted it to be professional in that way," ani Beauty Gonzalez na paraan daw nila ni Dimples Romana para hindi sila maging close at mas maging epektibo ang aktingan.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

6/19/2019 3:37 PM
Bakit laging magkahiwalay ng tent sina Beauty Gonzalez at Dimples Romana sa set ng Kadenang Ginto?


Nag-celebrate ang Kapamilya actress na si Beauty Gonzalez ng kaniyang 10th year anniversary sa show business sa episode ng Magandang Buhay ngayong araw, June 19. Bilang lead actress ng isa sa mga lagigng pinag-uusapan na teleserye na Kadenang Ginto, ibinahagi ni Beauty ang set-up nila ng kaniyang co-actress na si Dimples Romana sa likod ng camera. 

Ayon sa aktres, pinili nilang magkaroon ng magkahiwalay na tent sa tuwing may taping ang nabanggit na teleserye. "Actually me and Daniela (Dimples Romana), we stay in separate tents, and we wanted it that way so that hindi kami maging close in real life," ani Beauty na sinabing napapanaginipan niya rin ang ibang eksena niya kay Dimples dahil sa sobrang intense.

"Kasi kung magiging close [kami], maaawa ako sa kaniya. Makikita sa acting ko na naaawa ako sa kaniya. So it’s better to keep it separated - we're good ha. We really love each other, but we just wanted it to be professional in that way," paliwanag niya. 

Unang nakilala si Beauty noong sumali siya sa ikalawang teen edition ng Pinoy Big Brother noong 2008. Sa ngayon, masaya si Beauty sa tinatamasang tagumpay ng career, at pamilya kasama ang asawang si Norman Crisologo at anak na si Olivia. 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

Girl Interrupted. SIMONE 🖤 #Abandoned Coming Soon.

A post shared by Christine Gonzalez-Crisologo (@beauty_gonzalez) on

 

READ: Beauty Gonzalez turns 28

READ: Bakbakan nina Romina at Daniela sa ‘Kadenang Ginto’ patok sa netizens

Sa parehong interview ng mga momshie-hosts, hindi naman itinanggi ng aktres na minsan na rin siyang nahirapan sa pagsasabay ng trabaho at oras sa pamilya. 

"Sa totoo lang mahirap isabay [sa pagiging mommy]. Pasalamat na lang ako that I'm blessed with my husband, kasi siya na yung tumatayong both para kay Olivia. [Lalo] na ngayon, I'm busy everyday and he doesn't mind about it," sabi ni Beauty na pinasalamatan ang kaniyang asawa, at maging ang mga kasambahay na tinatawag niyang 'angels.'

"It's good na gano'n yung age gap namin kasi he totally understands what I'm doing. So thankful ako na nandoon siya and also the angels that are part of our lives," dagdag ng aktres. 

Nang tinanong naman si Beauty kung paano niya nababalanse ang oras para sa kaniyang asawa, "Hahanap ka talaga ng paraan,” aniya.  

"I'll be like malambing ako when I'm at the house, I make sure na I have an hour with him or two hours na puro siya lang. Because you can't give naman all your time to your husband, an hour of your day is good enough, kailangan mamimiss ka rin," kuwento niya. 

Patuloy na mapapanood si Beauty sa teleseryeng Kadenang Ginto kung saan ay gumaganap siya bilang Romina, ang laging nakakaalitan ng karakter ni Dimples Romana na si Daniela. 

READ: LOOK: Seth Fedelin begins filming with Beauty Gonzalez

Bukod dito, aabangan din si Beauty sa digital series ng iWant na Abandoned kasama ang ex-PBB OTSO housemate na si Seth Fedelin.