Vickie Rushton: ‘Wala sa akin ang susuko’

Vickie Rushton, sinagot muli ang tanong sa Bb. Pilipinas 2019.

BY CRISTINA MALONZO-BALANE

Follow me @cristinatampepe

FRESH SCOOPS

6/19/2019 7:45 AM
Vickie Rushton: ‘Wala sa akin ang susuko’


Photo credit: @vimrushton on Instagram

Sa Tonight with Boy Abunda, muling sinagot ni Vickie Rushton ang tanong sa kanya sa katatapos lang na Bb. Pilipinas 2019. Ang tanong ay, “Why is mental health as important as physical health?”

Sagot ni Vickie, “Mental health is as important as physical health because it goes hand in hand for our inner being. Growing up I was bullied, and it affected my mental and physical health. And as a woman who’ve been through a lot, I can use it to empower and inspire the people and remind them that self-love is important for us to be productive.”

Matatandaan na hindi nabuo ni Vickie ang kanyang sagot sa tanong sa mismong pageant dahil ayon sa kanya merong tumayo sa audience at “nag-make face.” Ganun pa man, wala daw siyang sinisisi dahil dapat hindi siya nagpa-distract at mas naging focus siya sa sarili niya.

READ: Vickie Rushton shares lessons from her Bb. Pilipinas experience: ‘Let us put to rest the issue’

Nabigo mang makasungkit ng korona sinabi ni Vickie na tuloy lang ang laban ng buhay. “I won’t let what other people say about me stop me from dreaming,” ani Vickie.

Hindi rin daw siya “susuko.” Sa ngayon daw hindi pa rin niya alam kung sasali pa siya sa sunod na Binibini contest. 

Excited na rin si Vickie sa mga susunod pang mangyayari sa buhay niya. “yung mga magagandang mangyayari pa po Tito Boy,” ayon sa dalaga. Dream role din ni Vickie ang maging Darna.

WATCH: LOOK: Vickie Rushton meets with Direk Joey Reyes for future projects
 

Sa tanong naman kung magpapakasal na sila ng boyfriend na si Jason Abalos? “Feeling ko mape-feel ko naman o mape-feel naman niya yun kung ready na ang lahat,” sagot ni Vickie.