• Home
  • Fresh Scoops
  • PBB Otso teens Angela Tungol and Lance Carr explain why they call each other ‘boo’

PBB Otso teens Angela Tungol and Lance Carr explain why they call each other ‘boo’

Nagpalitan ng pangako sa isa’t isa sina PBB Otso teen housemates Angela Tungol at Lance Carr sa Tonight With Boy Abunda.

BY CRISTINA MALONZO-BALANE

Follow me @cristinatampepe

FRESH SCOOPS

6/18/2019 9:36 AM
PBB Otso teens Angela Tungol and Lance Carr explain why they call each other ‘boo’


Sa Tonight with Boy Abunda, nilinaw nina Pinoy Big Brother Otso teen housemates Angela Tungol at Lance Carr na hindi pa sila couple at nagtatawagan daw sila ng “boo” dahil ayon kay Angela ang ibig sabihin ng boo ay, “someone you care about, someone who is important to you.” 

“Getting to know each other deeper,” diumano ang status nila ngayong nasa labas na sila ng bahay ni Kuya. 

Depensa rin ng dalaga, hindi niya naging mundo si Lance sa loob ng bahay ni Kuya, tulad ng iniisip ng iba. “Kung naging mundo ko po siya dun, baka hindi po ako umabot ng last six,” ayon sa dalaga.  Ang tamang term daw ay hindi “mundo,” kundi “inspirasyon,” ayon pa sa kanya. 

Pinili naman daw ni Lance si Angela over Ashley dahil kahit na daw nagkasama sila ni Ashley “sa camp” ay nagkailangan sila sa loob ng Bahay ni Kuya. “Naging awkward kami ni Ashley konti… in the long run mas nagiging close na lang po kami (Angela),” ani Lance. 

“Happy for me po. Pero wala naman pong negative side na naramdaman between me and Ashley,” ito naman ang reaksyon ng dalagang PBB Otso housemate dahil siya ang napili ni Lance. 

Nagpalitan din ng pangako ang LanGela sa TWBA. 

“I promise you that I will be here through your successes and failures,” ang pangako ni Angela kay Lance. 

“Kahit anong mangyari nandito pa rin ako para sa’yo,” ang sabi naman ni Lance kay Angela.