• Home
  • Fresh Scoops
  • PANOORIN: Andi Eigenmann at boyfriend Philmar Alipayo naging emosyonal sa unang TV appearance

PANOORIN: Andi Eigenmann at boyfriend Philmar Alipayo naging emosyonal sa unang TV appearance

Dinipensahan ni Andi Eigenmann ang ipinost niya na Instagram photo ng kanyang pagsu-surf habang buntis.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

6/18/2019 9:45 AM
PANOORIN: Andi Eigenmann at boyfriend Philmar Alipayo naging emosyonal sa unang TV appearance


Sa unang pagkakataon, bumisita sa isang morning talk show ang magkasintahan na sina Andi Eigenmann at Philmar Alipayo. Hindi napigilan ng aktres na maiyak sa sorpresang pagdating ng kanyang boyfriend, na hindi naman isang showbiz personality.  

"Sabi niya sa akin kagabi, 'Mahal ko, alam mo ba, sobrang miss na kita. Kapag nagkita tayo, feeling ko maiiyak talaga ako.' Sabi ko, 'Iyakin ka naman talaga.' Ako pala 'yung maiiyak," pahayag ni Andi na nag-celebrate din ng kaniyang kaarawan sa Magandang Buhay, kahapon June 17. 

Ito ang isa sa madalang na pagkakataon na bumisita ang aktres sa isang morning talk show dahil naninirahan na ito sa Isla ng Siargao, kung saan ay unang nakilala niya si Philmar, isang kilalang professional surfer. 

Dahil sa kasalukuyan ding dinadala ang pinaka-unang anak kay Philmar, ibinahagi ni Andi sa mga hosts ang karanasan sa ikalawang pagbubuntis. "This time around, yung pagbubuntis ko sobrang mas smooth sailing siya.

"In a way mas nakaka-bored nang mabuntis kasi gusto na namin siyang lumabas si Ellie ko tsaka si Philmar, para malaro na namin, madala na namin sa isla," ani Andi.

 

Sa parehong interview din ay dinipensahan ni Andi ang pinag-usapang Instagram post kung saan ay nakita siyang patuloy na nagsu-surf sa kabila ng kanyang pagbubuntis. Ayon sa aktres, itinigil niya muna na ang surfing nang umabot na ng 7 months ang kaniyang dinadala. 

"It's (surfnig) not something I advice for other people to do [while they're pregnant]. Kaya lang ako pwedeng mag-surf kasi nagsu-surf talaga ako. So the only reason why I surf [kahit] malaki ang tiyan ko, kasi alam ko naman ang ginagawa ko. And my OB is really supportive about it. 

PHOTOS: Andi Eigenmann joined by partner in second maternity shoot

"Para sa akin if hindi naman sensitive ang pregnancy mo dapat kang mag-exercise kasi mas healthy yung for the baby, and for yourself," paliwanag ni Andi. 

Sa tanong kung ano ang naging reaksyon ng kanyang ina na si Jaclyn Jose tungkol sa kanyang second pregnancy sabi ni Andi, "Of age [naman] na ako e. Nandon ako dahil gusto ko hindi naman [dahil] naglalaro lang. Atsaka I met someone, I'm in a relationship with someone. Kaya happy ako with my relationship with Philmar kasi he makes feel like it's something that could actually last forever and even if I was young when I had Ellie, pwede pa rin pala ako maka-achieve ng pamilya," sagot niya. 

Idiniin ni Andi na masaya siya sa set-up ng buhay niya ngayon at sa nabuong bagong pamilya kasama ang kaniyang nobyo. 

"Normally people make a big deal out of this thing, but I feel like that's the reason why madali para sa amin maging masaya kasi hindi naman kami nakatingin sa mga bagay na 'yon. Ang importante mayroon kaming respeto sa sarili, sinusubukan namin yung best namin para magkainitindihan kami, at para mag-grow kami together," pahabol na mensahe ni Andi. 

Panuorin ang emosyonal na sorpresa ni Philmar kay Andi dito:

Si Ellie ang unang anak ni Andi sa dating nobyo na si Jake Ejercito. Sa ngayon, may maaayos na kasunduan ang dalawa sa pagsuporta at pagbabantay sa anak, kaya't nagpupunta si Andi sa Maynila sa ilang pagkakataon.