• Home
  • Fresh Scoops
  • Kathryn Bernardo at Alden Richards, umaasang makaka-relate ang mga OFW sa Hong Kong kapag napanuod nila ang ‘Hello Love Goodbye’

Kathryn Bernardo at Alden Richards, umaasang makaka-relate ang mga OFW sa Hong Kong kapag napanuod nila ang ‘Hello Love Goodbye’

Kathryn Bernardo at Alden Richards, ipinaliwanag kung ano ang kaibahan ng OFW movie nila na ‘Hello Love Goodbye’

BY CRISTINA MALONZO-BALANE

Follow me @cristinatampepe

FRESH SCOOPS

6/19/2019 7:40 AM
Kathryn Bernardo at Alden Richards, umaasang makaka-relate ang mga OFW sa Hong Kong kapag napanuod nila ang ‘Hello Love Goodbye’


Marami nang mga OFW films ang naipalabas, pero sinabi ng mga bida ng Hello Love Goodbye na sina Kathryn Bernardo at Alden Richards kung ano ang pinagkaiba ng pelikula nila sa iba pang OFW movies.

WATCH: The teaser for Kathryn Bernardo and Alden Richards’ ‘Hello, Love, Goodbye’ is here

Ang Hello Love Goodbye diumano ay tungkol sa millennial OFWs in Hong Kong. “It’s a take on the millennial OFWs. How are they in Hong Kong. We’re highlighting Hong Kong OFWs kung paano sila in everyday life,” ani Alden. 

Ayon kay Alden, iba-iba daw kasi ang sitawasyon ng mga OFW depende kung nasaang bansa sila. Bukod dito, meron pang bagong natutunan si Alden tungkol sa OFWs sa Hong Kong. “Yung role niya (Kathryn) is a different OFW, ako I’m a different OFW. So may hierarchy pa pala yun. May difference pa pala yun, ‘yung benefits coming from my job and yung nakukuha niya from her job,” paliwang ni Alden.

In depth din daw ang research na ginawa ng creative team ng pelikula. “Nag-interview sila ng mga OFW talaga para makuha yung mga experiences nila,” ani Kathryn.

At maging sina Kathryn at Alden ay nag-undergo sa immersion. “Nakatulong na isang buwan kami dun so na-observe naming kung paano… Lahat ng mga ginagawa nila, yun talaga yung mga pinuntahan namin… like sa Central… meron sila dung parang sama-sama every Sunday. Kung paano yung routine nila…kung paano sila sa mga alaga nila,” kuwento ni Kathryn.

Wish pa ni Kathryn na, “Sana (maka-relate) sila ‘pag napanuod nila na parang ‘oh my god ganyan ako.’”

READ: Kathryn Bernardo: ‘Grabe yung respect ko sa mga OFWs lalo’