Isang panibagong hamon na naman ang bagong role na gagampanan ng Kapamilya actor na si Joshua Garcia. Siya ay magiging si Ian Paquit, ang pinakabatang sundalong nakatanggap ng Medal of Valor, para sa episode ng Maalaala Mo Kaya. Sa Instagram post ni Joshua tinuring niyang 'dream job' ang pagiging sundalo na nagampanan niya sa loob ng tatlong araw na pagshu-shoot.
"My dream job for 3 days. Congrats to me :) " ayon sa caption ni Joshua.
Sa edad na 21, si Ian ay namatay matapos ang isang engkwentro laban sa Moro National Liberation Front, sa Zamboanga City noong 2013.
Sa isang interview sa Kapamilya Chat kahapon, June 17, inamin ni Joshua na isa sa mga challenging na eksena niya sa episode na iyon ay ang paghiga sa aktwal na kabaong.
"Bago mag-tape, nakahiga na ako [sa kabaong] hawak ko yung maliit na electric fan. Tapos pag take na, ilalagay yung salamin, [tapos] ilalagay yung bandila ng Pilipinas.
"Ang init talaga, as in nakaka-suffocate. Kapag binuksan mo yung mata mo, mas matataranta ka, pero pag sarado, mas kalmado ka," kuwento ni Joshua na sinabing ito ang pinaka-unang beses na ginawa niya iyon para sa eksena.
Bilang ikatlong handog sa pagpapatuloy ng ating ika-28 anibersaryo, abangan ang natatangging pagganap ni @iamjoshuagarcia ngayong Sabado sa #MMKMedalOfValor 8:30PM pagkatapos ng Idol PH! #MMK28Years #KapamilyaShareNa #RSBDramaUnit pic.twitter.com/1ubJyLUtzU
— MMKOfficial (@MMKOfficial) June 17, 2019
Mapapanood ngayong Sabado ang naturang MMK episode. Makakasama ni Joshua dito si Janice De Belen na gaganap bilang ina niya.