• Home
  • Fresh Scoops
  • Dating PBB housemate na si Bodie Cruz, isa nang ganap na pastor

Dating PBB housemate na si Bodie Cruz, isa nang ganap na pastor

Inanunsyo ng aktor na si Tirso Cruz III na isa nang ganap na pastor ang anak at dating housemate ng sikat na reality show na “Pinoy Big Brother” na si Bodie Cruz.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

6/18/2019 3:26 PM
Dating PBB housemate na si Bodie Cruz, isa nang ganap na pastor


Photo credit: @tirsocruziii/ @bodiecruz on Instagram

Isa nang ganap na pastor ang dating aktor at housemate ng sikat na reality show na Pinoy Big Brother na si Bodie Cruz.

Ito ay masayang inanunsyo ng kanyang ama at beteranong aktor na si Tirso Cruz III sa pamamagitan ng isang Instagram post.

 

Sa kanyang mensahe para sa panganay na anak na si Teejay Cruz na kamakailan lamang ay namaalam dahil sa cancer, sinabi ng The General’s Daughter star na nakatakdang italaga si Bodie bilang full-fledged pastor ng Victory Church ngayong Martes.

“GODly heavenly morning TJ. Today is a very special day for us, and more so for your brother [Bodie]. As we Christians would say, ‘This is the day that the Lord has made, we shall rejoice and be glad in it!,” aniya.

“Today Bodie will be ordained and officially become a full-fledged Pastor of Victory church. We are all very excited for this event as I know you would have been too if you were here. I know how much you love and how proud you are of your brother. I hope and pray the Lord allows you to look down from heaven and watch the commencement exercise. Missing you a whole lot. We love you TEEJ!,” dagdag pa niya.

Si Bodie, 33, ang pangalawang anak ni Tirso sa kanyang asawa na si Lynn Ynchausti.

Matapos sumali sa Pinoy Big Brother: Season 2 noong 2007, bumida si Bodie sa ilang acting projects, kabilang na ang mga pelikulang Pasukob (2007) at Praybeyt Benjamin (2011).