Kris Aquino, tinotoo ang pagpapaalam sa social media

Nakabalik na si Kris Aquino sa bansa matapos ang kanyang ilang linggong pamamalagi sa Singapore para magpa-check up muli sa kanyang doktor.

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

6/17/2019 8:23 AM
Kris Aquino, tinotoo ang pagpapaalam sa social media


Photo credit: @livelifewithkris on Instagram

Pagkatapos ng mahabang post ni Kris Aquino sa kanyang Instagram at Facebook account noong June 7 ay hindi na ulit nag-post ang aktres.

Ginawa ni Kris ang huling post niya habang nasa Singapore para sa ilang series of medical tests para sa kanyang autoimmune disorder.

Matatandaang binanggit ni Kris noong June 7 na magpapaalam muna siya sa social media para bigyang pansin ang sakit at palakasin ang kanyang immune system. Makabubuti rin daw na maging ‘private citizen’ muna siya habang ginagamot ang sarili.

Sa simula, may pagdududa ang ibang netizens sa desisyon ni Kris. Anila, hindi raw kakayanin ng actress/TV host ang maawala sa social media at hindi mag-post ng mga ganap sa buhay niya.

READ: Kris Aquino ayaw na sa limelight, gustong maging ‘private citizen’

Pero pinatunayan ni Kris na totoo ang kanyang sinasabi. Napahiya ang bashers niya nang bigla na lang manahimik si Kris sa Facebook at Instagram.

Nang bisitahin namin ang kanyang social media accounts ay hindi na ma-search ang kanyang pangalan. No user found na ang nakalagay sa Twitter at wala namang lumalabas na pangalan niya sa Facebook at Instagram.

Ang huling video naman na pinost niya sa kanyang Youtube Channel ay kuha pa noong birthday ng panganay niyang si Joshua.

Samanala, nakabalik na ng Pilipinas si Kris Aquino pagkatapos ng  mga ginawang medical procedures sa kanya sa Singapore. Naunang bumalik bana sina Josh at Bimby noong isang linggo at saka naman sumunod si Kris, kasama ang kanyang mga trusted na tao na sina Bincai Luntayao at Alvin Gagui.

READ: Kris Aquino: ‘I’m not yet dying, so wag muna magpa-party’

At dahil nagpahinga muna sa social media kaya hindi rin mababasa ang kahit anong update sa resulta ng kanyang medical tests.

Sabi ng isang malapit kay Kris,  “Tuloy ang pag-inom ng mga gamot. Affected ng sakit ang sleeping pattern niya, so panay lang ang basa ng books.”

Hindi pa alam kung kailan ire-revive ni Kris ang kanyang social media accounts. Ang huling balita namin, palilipasin din niya ang “ghost month” bago muling maging aktibo.