• Home
  • Fresh Scoops
  • Kathryn at Alden ibinahagi kung ano ang life lessons na natutunan nila sa mga ama

Kathryn at Alden ibinahagi kung ano ang life lessons na natutunan nila sa mga ama

Sa ‘Hello Love Goodbye’ poster unveiling noong June 15, sinabi nina Kathryn Bernardo at Alden Richards kung ano ang mga bagay na hinahangaan nila sa kanilang mga daddy ngayong isini-celebrate ang Father’s Day.

BY CRISTINA MALONZO-BALANE

Follow me on ig and tw: @kwentoph

FRESH SCOOPS

6/17/2019 4:46 PM
Kathryn at Alden ibinahagi kung ano ang life lessons na natutunan nila sa mga ama


Sa poster at play date unveiling ng movie na Hello Love Goodbye last Saturday sa ABS-CBN Experience Store sa Trinoma,  kung saan present ang mga bidang si Kathryn Bernardo at Alden Richards, nagbigay pugay ang dalawa sa kanilang mga tatay para sa Father’s Day celebration ngayong 2019.

LOOK: Official poster of Star Cinema’s latest film Hello Love Goodbye  

Ayon kay Kathryn, grabe ang sakripisyo ng kanyang amang si Teddy para sa pamilya nila at para matupad ang mga pangarap niya. 

“Pinakanatutunan ko sa kanya yung sacrifice, kasi si Papa hanggang ngayon nasa Cabanatuan. And pumayag siya na andito kami sa Manila to pursue my dream, nahiwalay si Mama sa kanya. If not for him, wala yung approval niya, wala rin ako ngayon,” aniya. 

Dagdag pa ng aktres, masaya siya dahil mas bumabata ang dating ng ama niya ngayong nagkaka-edad na. 

“Ngayong mas tumatanda siya, mas bumabata nga siya. Mas cool siya ngayon e. Happy ako na happy naman si Papa ngayon.” 

Kung sakripisyo naman ang hinahangaan ni Kathryn sa daddy Teddy niya, pagporma naman ang naituro ng ama ni Alden sa kanya. 

“Actually, siya talaga yung sinusundan ko sa pagdadamit. Lahat ng damit ko, kinuha na niya kasi maliit na yung katawan niya,” natatawang kwento ng aktor. 

Bukod sa fashion, natutunan ni Alden sa ama niya ang professionalism, 

“He really taught me to be professional in my work, pagdating sa oras, pagdating sa pakikibigay sa mga tao,” paliwanag nito.  

Tinuruan din daw siya ng ama na huwag manghusga ng tao,

“Siya din yung nagturo na wag madaling manghusga. Kasi hindi naman natin alam yung pinanggalingan nung taong yun. So never judge anyone by first impression,” dagdag pa niya.  

Sinabi din ng aktor na ang ama din ang tumutulong sa kanya sa pagpapatakbo ng kanilang mga negosyo kaya malaki ang pasasalamat niya dito. 

Tignan ang iba pang larawan mula sa unveiling dito: 

 

 

Directed by Cathy Garcia-Molina, ipapalabas na sa mga sinehan ang Hello Love Goodbye sa July 31.