• Home
  • Fresh Scoops
  • Francine Diaz, sinorpresa si Kyle Echarri kasama ang kanilang fans sa kanyang kaarawan

Francine Diaz, sinorpresa si Kyle Echarri kasama ang kanilang fans sa kanyang kaarawan

Ikinatuwa ni Kyle Echarri ang sorpresang inihanda ng kanyang love team partner na si Francine Diaz kasama ang kanyang pamilya at supporters para sa kanyang kaarawan itong darating na Miyerkules, ika-20 ng Hunyo.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

6/17/2019 1:59 PM
Francine Diaz, sinorpresa si Kyle Echarri kasama ang kanilang fans sa kanyang kaarawan


Photo credit: @kyleecharri on Instagram

Ikinatuwa ni Kyle Echarri ang sorpresang inihanda ng kanyang love team partner na si Francine Diaz para sa kanyang kaarawan itong darating na Miyerkules, ika-20 ng Hunyo.  

Nitong Linggo ay nagbahagi ang batang aktor sa kanyang Instagram Stories ng ilang retrato at bidyo mula sa kanyang selebrasyon kung saan makikitang isinorpresa siya ni Francine kasama ang kanyang pamilya at kanilang supporters. Aniya, "Thank you fam for the biggest surprise. My heart is overjoyed with your love and support."

Video courtesy of @kyleecharri's Instagram

Sa sumunod na istorya ay pinasalamatan ni Kyle ang kanyang masusugid na fans para sa kanilang pagmamahal at suporta. "Still on Cloud 9 thinking how blessed I am to have you all in my life. Thank you for the birthday surprise. You never fail to make me happy. Above all, thank you for being with me in my journey, whether in good times and in bad, you've all been there/here for me. Alongside my family, you are my strength and I will be forever grateful for your love and support," aniya.

Samantala ay hindi naman nakalimutan ni Kyle na batiin si Francine sa kanyang pakikibahagi sa nasabing sorpresa. "Pre galing mo! Na-surprise talaga ako. Thank you," aniya.

"Above all, thanks for being YOU," dagdag pa niya.

Kinabukasan ay nag-post din si Kyle ng kanilang retrato ni Francine sa kanyang page kung saan tinawag niya ito bilang "my sunshine". 

 

"I am a work-in-progress but your understanding and patience have helped me pull through. Thank you for being my sunshine. I am luckiest to have someone like you," aniya sa caption.

Si Kyle at Francine ay mag-on screen partners sa sikat na afternoon drama na Kadenang Ginto. Kasama nila sa binansagang Gold Squad ang mga kapwa batang aktor na sina Andrea Brillantes at Seth Fedelin.