• Home
  • Fresh Scoops
  • EXCLUSIVE: Baron Geisler laging sinasabihan ni Coco Martin na maging ‘behaved’ sa taping

EXCLUSIVE: Baron Geisler laging sinasabihan ni Coco Martin na maging ‘behaved’ sa taping

Malaki ang pasasalamat ni Baron Geisler sa role na Bungo sa Ang Probinsyano: 'I couldn't ask for more.'

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

6/17/2019 8:44 AM
EXCLUSIVE: Baron Geisler laging sinasabihan ni Coco Martin na maging ‘behaved’ sa taping


Photo credit: Donnie Geisler’s Facebook (R)

Masayang ikinuwento sa amin ni Baron Geisler na kontento siya sa nangyayari sa kanyang showbiz career ngayon simula nang makabalik siya sa telebisyon.

Napapanood si Baron sa ABS-CBN hit series na FPJ’s Ang Probinsyano bilang si  Bungo, bagong kontrabida ni Cardo Dalisay.

Ani Baron, “Kung tutuusin, I’m already at a place where God has already placed me na I’m very happy and grateful and I couldn’t ask for more.

“Sa Probinsyano alone, masaya na ako. Maganda yung exposure, maganda yung character, 'di  ba?

“Ouf of nowhere, nalaos ako, nagkaroon ng problema tapos biglang binigyan nila ako ng ganitong karakter na everyday nakikita. So that’s a dream come true, that’s an answered prayer.”

Nabanggit din ng aktor na hanggang ngayon ay patuloy siyang pinapaalalahanan ni Coco Martin na maging behave sa taping.

“Nire-remind niya ako palagi tungkol sa pakikisama. Binabalik niya ako don sa, ‘Paps, basta makisama ka lang,” lahad niya.

Patuloy ni Baron, “ Alam ko naman ang ibig niyang sabihin don. Hindi yung pakikisama na magki-kiss ass ka sa mga tao.”
Sabi pa raw ni Coco sa kanya, “Huwag kang magle-late, maging professional ka. Tapos huwag na huwag kang iinom bago, during or after ng trabaho.”

“Inuulit niya palagi yung payo niya noon sa akin. Inaalagaan ako ni Coco. At totoong maalaga siya sa mga tao niya.

“Nung una, akala ko parang sabi-sabi lang kasi siya yung boss, hindi pala. Totoo pala na mahal talaga siya ng tao do’n,” kuwento pa ni Baron sa PUSH.

Masaya rin daw siya na tumatatak na sa televiwers ang karakter niya bilang Bungo sa serye.

“Kahit saan ako magpunta yung mga bata, mga five years old, mga babae pa yung iba ha, hindi sila natatakot sa akin. ‘Hi, Alyas Bungo.’

“Ba’t di natatakot sa akin itong mga batang ito? Naaliw ako sa kanila. Yung mga lola, teenager, mga yuppy nagpa-picture, nakakaaliw,” huling pahayag ng aktor.