• Home
  • Fresh Scoops
  • ‘Ate Girl’ Jackque Gonzaga sa estado ng kanyang love life: ‘Pag may lamat na, mahirap na ibalik sa dati’

‘Ate Girl’ Jackque Gonzaga sa estado ng kanyang love life: ‘Pag may lamat na, mahirap na ibalik sa dati’

It’s Showtime’s Ate Girl Jackque Gonzaga at Stephen Robles, nagbigay ng relationship status update sa Gandang Gabi Vice.

BY CRISTINA MALONZO-BALANE

Follow me @cristinatampepe

FRESH SCOOPS

6/17/2019 8:59 AM
‘Ate Girl’ Jackque Gonzaga sa estado ng kanyang love life: ‘Pag may lamat na, mahirap na ibalik sa dati’


Photo credit: @jackiegirlg on Instagram

Sa Gandang-Gabi Vice, diretsang tinanong ni Vice Ganda si Jackque ‘Ate Girl’  Gonzaga kung ano na ang estado niya at ng boyfriend na si Tom Doromal. 

Matatandaan na kamakailan lang ay naging emosyonal si Ate Girl sa isang episode ng It’s Showtime. Umiyak si Jackque at napayakap noon kay Vice dahil sa problemang pag-ibig. 

Nakangiti pero hindi niya direchong sinagot ang tanong. “Lahat naman ng bagay naayos pero hindi na katulad ng dati,” sabi ni Jackque.  

READ: Tom Doromal breaks his silence after Jackque Gonzaga became emotional onstage

“Kasi ‘pag may lamat na, mahirap na ibalik sa dati,” dagdag pa nito.  

“Hindi ka ba natatakot na masugatan dun sa lamat?” sunod na tanong ni Vice sa TV personality na sinagot niya ng may paninidigan,  “Kasi ‘pag mahal mo, ‘pag gusto mo kasama naman talaga yung nasasaktan ka, saka nasusugatan ka.” 

Samantala tinanong din ni Vice si Stephen Robles na guest din sa anniversary special ng GGV at kaparte rin ng It’s Showtime family, kung may boyfriend siya. Ayon kay Stephen wala dahil, “Hindi sila nagtatangkang manligaw, nalilito din sila eh.” 

WATCH Push Evolution: Stephen Robles

Matatandaang usap-usapan ang totoong gender ni Stephen na hanggang ngayon ay hindi pa rin niya kinukumpirma.