• Home
  • Fresh Scoops
  • TIGNAN: Official poster ng “Hello, Love, Goodbye”, inilabas na

TIGNAN: Official poster ng “Hello, Love, Goodbye”, inilabas na

Matapos inilabas ang unang teaser trailer nito nitong Biyernes, ibinahagi ng Star Cinema ang official poster ng pelikulang "Hello, Love, Goodbye" na ipinagbibidahan ng bagong tambalang Kathryn Bernardo at Alden Richards.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

6/16/2019 12:50 PM
TIGNAN: Official poster ng “Hello, Love, Goodbye”, inilabas na


Photo credit: @starcinema on Instagram

Muling ikinasabik ng fans ang bagong pasabog tungkol sa pinaka-hinihintay na pelikulang "Hello, Love, Goodbye".

Matapos inilabas ang unang teaser trailer nito nitong Biyernes, ibinahagi ng Star Cinema ang official poster ng nasabing pelikulang ipinagbibidahan ng bagong tambalang Kathryn Bernardo at Alden Richards. Dito ay makikitang masayang magka-akbay ang dalawa habang naglalakad sa Hong Kong kung saan kinahunan ang nasabing proyekto.

"Joy and Ethan’s story begins," ani nila sa caption.

 

 

Nagbahagi rin ang Star Cinema ng ilang retrato mula sa poster unboxing event na ginanap sa Trinoma noong Sabado kasama sina Kathryn, Alden, at kapwa aktres na Kakai Bautista. 

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

Kathryn, Kakai, and Alden earlier in Trinoma for the #HLGTheUnboxing of the #HelloLoveGoodbyePOSTER

A post shared by ABS-CBN Films, Star Cinema (@starcinema) on

 

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

Joy and Ethan with the #HelloLoveGoodbyePOSTER! #HLGTheUnboxing

A post shared by ABS-CBN Films, Star Cinema (@starcinema) on

 

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

Joy and Ethan with the #HelloLoveGoodbyePOSTER! #HLGTheUnboxing

A post shared by ABS-CBN Films, Star Cinema (@starcinema) on

 

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

Thank you everyone for a fun #HLGTheUnboxing of the #HelloLoveGoodbyePOSTER! ❤️

A post shared by ABS-CBN Films, Star Cinema (@starcinema) on

 

Ayon sa nasabing teaser na ngayon ay umabot na sa mahigit isang milyon ang views, ang pelikulang "Hello, Love, Goodbye" ay tungkol sa love story ng dalawang overseas Filipino workers na magtatagpo sa Hong Kong: si Joy, ang karakter na gaganapan ni Kathryn, ay isang helper, samantalang si Ethan, na pagbibidahan naman ni Alden, ay isang bartender.

Ito ang unang pagkakataon na magsasama ang dalawa mula sa pinaka-sikat na love teams na KathNiel (Kathryn at Daniel Padilla) at AlDub (Alden Richards at Maine Mendoza) sa iisang proyekto. Bukod kay Kakai, makakasama nila sa pelikula sina Maricel Laxa, Joross Gamboa, Jason Blake, Lito Pementel, Jeff Tam, Lovely Abella, Maxine Medina, at Jerome Ponce.

Sa direksyon ni Cathy Garcia-Molina, nakatakdang ipalabas ang "Hello, Love, Goodbye" sa lahat ng sinehan itong darating na ika-31 ng Hulyo.