Pokwang, papayagan na ba pasukin ni Malia ang showbiz?

Ibinahagi din ni Pokwang ang pangarap para sa kanyang anak.

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

6/16/2019 1:06 PM
Pokwang, papayagan na ba pasukin ni Malia ang showbiz?


Photo credit: @itspokwang27 on Instagram

Proud momma ngayon ang Kapamilya actress-comedian na si Pokwang para first single ng kanyang anak na si Baby Malia.

At bilang nanay, hindi maitatago ni Pokwang ang kanyang saya para sa kanyang anak na nagsisimula na din na gumawa ng pangalan sa mundo ng showbiz.

READ: EXCLUSIVE: Pokwang, ikinuwento kung paano nabuo ang ‘Malia Malia’ song

“Masaya kasi siyempre sa edad niyang ‘yun e mayroon na siyang ganyan. Kasi nakatuwaan lang yan ng mga ninong/ninang niya yan sa industriya, kasi nga madaldal, ayun sila mag arranged ng mga pinagsasabi nila dyan kung German ba o Chinese,” kuwento ni Pokwang.

At dahil nasimulan na ang solo single ni Malia, hindi naiwasan na maitanong kay Pokwang kung simula na din ba ito ng kanyang pag payag na pasukin ng anak ang showbiz?

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

Totoo po ang chismis!!! anak ko po sya promise!!! Hahahahahaa diba nak @malia_obrian ???? ❤️❤️❤️

A post shared by Mayette (@itspokwang27) on

 

“Truelagen,” pabirong tugon ni Pokwang.

“Ako naman hindi ko siya pipilitin, hahayaan ko lang siya. Lagi ko naman sinasabi ‘yan sa mga anak ko, ‘kung ano ang gusto niyo, bahala kayo’,” sabi pa ni Pokey.

Pero bilang Nanay din, hangad ni Pokwang na makapagtapos din ng pag-aaral si Malia.

“Mag-aral, mag-aral siyempre iba ‘yung may na natapos ‘yun yung hindi ko na-achieve ‘di ba?” aniya.

Dahil lumalaki na din ang kanilang anak ng partner na si Lee O Brian, naitanong din kung kailan nila plano sundan ito ng second baby.

“Waley! Waley pa. (Pero kung mabubuntis ulit?) E di pag andyan, salamat! Alangan naman na (tanggihan) biyaya kaya yan ‘di na ako a-arte di ba?” pahayag ni Pokwang.