Pagsali sa marathon, isang panata para kay Dingdong Dantes

Kuwento din ni Dingdong Dantes na matatagalan pang bumalik sa showbiz si Marian Rivera.

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

6/16/2019 12:16 PM
Pagsali sa marathon, isang panata para kay Dingdong Dantes


Photo credit: @dongdantes on Instagram

Masayang naikuwento sa entertainment press ni Dingdong Dantes kung gaano ka-enjoy ang misis niyang si Marian Rivera na alagaan ang second child nilang si Sixto. Mas priority rin daw ni Marian ngayon ang maging nanay kaya hindi muna nito naiisip bumalik sa trabaho.

Iginiit din ng actor-TV host na hindi pa niya nakikitang babalik sa limelight sa July ang asawa.

Aniya, “Hindi pa sa July. Hindi ko pa masabi kung kelan. Siguro, ine-enjoy pa niya ‘yung early stages ni Sixto, di ba?”

Dagdag pa niya, “Kung may choice rin naman ako, ako rin, eh, hindi rin ako aalis ng bahay. Pero sabi ko, ‘Ako na munang bahalang magtrabaho para sa atin, relax ka lang diyan.’”

Ibinalita rin ni Dingdong na naghahanda na siya para sa para sa sasalihan niyang Berlin Marathon sa Berlin, Germany sa darating na September.

Layunin daw ng kanyang pagsali sa Berlin Marathon na maging aktibo ulit sa pagpapanatili ng kalusugan. Ginagawa na rin daw niya itong panata ngayon.

“Naging parang panata ko siya sa sarili ko saka sa pamilya ko, lalo na nang ipinanganak si Sixto,” lahad ni Dingdong.

“Sabi ko, gusto kong i-renew ‘yung commitment ko sa kasalusugan, kasi dati, naging active ako nun’g si Zia ipinanganak. Eh sabi ko, gusto kong ibalik ‘yun.

“So, nag-commit ako na sumali sa isang marathon, kasi siyempre, parang reflection ‘yun na talagang commited ka, di ba, na pagandahin lalo ‘yung health mo.

“So, kung pumayat ka, resulta na lang ‘yun,” dagdag pa niyang pahayag.

Suportado naman daw siya ni Marian sa kanyang gagawin.

“Very supportive naman yon sa lahat ng gusto kong gawin. Kaya nga lang, hindi siya makakasama dahil mag-aalaga siya kay Sixto,” natatawa pa niyang kuwento.