Istorya ng Pag-asa Filmfest 2019 winners, pinarangalan na

VP Leni Robredo binigyan ng award ang mga nanalo sa Istorya ng Pag-asa Filmfest.

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

6/16/2019 12:23 PM
Istorya ng Pag-asa Filmfest 2019 winners, pinarangalan na


Photo credit: asianfilmfestivals.com

Mismong si Vice President Leni Robredo ang nagbigay ng award sa mga tinanghal na winners ng 3rd Istorya ng Pag-asa Film Festival (INPFF). Ang INPFF ay project ng Office of the Vice President sa pakikipagtulungan ng Ayala Foundation Inc. at Film Development Council of the Philippines (FDCP).

Ginanap ang awards night sa Trinoma Cinema 7 last Saturday, June 8, 2019. Naging hosts naman ng event sina Dingdong Dantes at Iza Calzado.

Ang short film na Ka Dodoy na istorya ng small fishermen led by Roberto “Ka Dodoy” Ballon Jr. to save the fish stock in their community in Zamboanga Sibugay, ang grand winner. The film is directed by Mark Aposaga and Meg Seranilla.

First runner-up naman ang short film na Maglabay Ra In Sakit which features the story of a Tausug rapper displaced during the 2013 Zamboanga siege.

Second runner-up ang Litratista, na tungkol sa 84-year-old na si Nanay Fely na nagtatrabaho pa rin bilang photographer for public schools in Manila.

Nanalo namang People’s Choice Award ang film na Yapak na istorya ng dalawang bulag na magkapatid na nagsisikap mabuhay sa pamamagitan ng pagkokopra.

Ang Modern-day Hero which tells about the story of how SPO4 Bill Felisan changed his life from being a street child and a minor offender ang nakakuha naman ng Office of the Vice President Special Award.

Bukod sa trophies, nakatanggap din ng cash prizes ang lahat ng mga nanalong short films. Mapapanood din ang three winning films sa Ayala Mall Cinemas nationwide starting June until October this year.

Ang Istorya Ng Pag-asa Film Festivals (INPFF) is a nationwide, all-digital film competition for original short documentaries featuring extraordinary stories of ordinary Filipinos. Its aim is to give a platform for Filipino filmmakers showcasing true and inspiring stories of hope.

Ang mga hurado ng INPFF sina Dan Villegas, Shamaine Buencamino, Doy Del Mundo, Mary Liza Diño Seguerra, at Quark Henares.

Umaaasa naman ang Bise Presidente na lalo pang mai-inspire ang mga ordinaryong Pilipino ng mga istoryang itinampok nila sa 3rd INPFF. Binati rin niya ang mga nanalo.

“Congratulations to the winners of Istorya ng Pag-asa Film Festival 2019! It warmed my heart to see another batch of inspiring stories come to life before the big screen. Indeed, there is so much to celebrate about the Filipino -- as shown by the men and women who have generously shared their struggles and triumphs with us.

“May we continue to be inspired by their defiant hope -- to be kinder, to find our light and help others shine -- and together, let us work to become a better nation,” ani VP Leni Robredo.