• Home
  • Fresh Scoops
  • Benefit concert, plano i-produce ni RS Francisco para kay Catriona Gray?

Benefit concert, plano i-produce ni RS Francisco para kay Catriona Gray?

Isang talented singer si Catriona Gray bago pa ito sumabak sa Miss Universe pageant.

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

6/16/2019 12:37 PM
Benefit concert, plano i-produce ni RS Francisco para kay Catriona Gray?


Photo credit: @catriona_gray on Instagram

Hindi natatapos na pagtulong ngayon ang layunin ng actor businessman na si RS Francisco para sa mga nangangailan.

Kasunod ito ng pagsuporta ni RS sa mga tinutulungan na charity organizations ng reigning Miss Universe Catriona Gray tulad ng Hope For Change, Young Focus at Love Yourself Foundation.

 

 

Sa naganap na charity day, isa din sa napag usapan ang pagbubukas ng ideya para kay RS na mag produce ng isang charity concert para kay Catriona Gray na isa sa talento ay ang pag-awit.

“It was a good suggestion. It wasn’t in our consciousness. We know that Catriona is a good singer even before she joined Miss Universe (2018) she was singing on-line,” kuwento ni RS sa panayam ng PUSH.

“And it was suggested (during press conference of Frontrow Charity event) why not? That’s why si Catriona mismo sinabi why not, and kami naman sa fFrontrow were open naman to anything, baka gawin natin sa New York,” patuloy pa niya.

At kung matutuloy, sa international stage agad plano ni RS gawin ang benefit concert para sa Filipino communities na naninirahan sa Amerika.

“Baka gawin natin sa New York tapos invite natin ang Filipino community doon na gusto din tumulong doon,” aniya.

Paliwanag pa ni RS, posibleng marami pang iba na mahikayat na sponsors si Catriona para sa kanyang chosen charities kung sakaling matutuloy ang show.

“You know, hindi lang Frontrow ang gusto tumulong, through Miss Universe and Frontrow, puwedeng may iba pa na tumulong para sa mga nangangailangan. Tulong tulong lang naman talaga yan e at marami pa ang gusto tumulong dyan gaya natin,” pahayag pa niya.

Hindi isinasara ni RS ang ideya ng benefit Concert para patuloy na makatulong pa sa mga nangangailangan.