Angeline Quinto at K Brosas, nakabonding ang kanilang fans

Magsasama sa isang concert sina Angeline Quinto at K Brosas.

BY JEFF FERNANDO

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

6/16/2019 12:30 PM
Angeline Quinto at K Brosas, nakabonding ang kanilang fans


Photo credit: @loveangelinequinto on Instagram

Handang handa na sina Angeline Quinto at K Brosas para sa kanilang nalalapit na concert na Angeline K To ngayong July 12.

Bilang paghahanda, personal na bumisita sa ticket booth ng Araneta Coliseum sina Angeline at K at personal na nagbenta ng ticket at nag pa picture sa kanilang mga fans.

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

Isa sa mga blessings sa akin ngayong taon ang concert na ito, marami po ang nagtatanong “Bakit hindi kapa mag concert ng solo mo Angge?” Ang tanging sagot ko lamang po, ilang taon po ang nakalipas nabigyan ako ng pagkakataon na mag solo concert sa Araneta Coliseum, iba po ang pakiramdam ko nung mga panahon na yun, alam ko sa sarili kong hindi ako handa, sobra po ang takot ng puso at isip ko, kaya sinabi ko sa mga nakakataas, na hindi ko pa kaya, alam ko po na tanging ang Diyos at ang panahon ang makakapagsabi kung kailan ko dapat gawin ang makapag solo concert sa Araneta, ilang beses na akong nakatungtong sa entablado ng Araneta Colisuem at habang buhay ko pong ipagpapasalamat sainyong lahat dahil kahit sinong mang aawit ay yan ang Pangarap. Ngayong taon muli po, nabigyan ako ng pagkakataon na gumawa ng isang show na punong puno ng pagmamahal, musika at katatawanan. Hindi po hadlang sa isang performer o mang aawit kung sino ang makakasama nitong mag trabaho para makapag pasaya ng maraming tao. Ito po ang aming misyon ang mabigyan kayong lahat ng Pag-asa, pasasalamat sa pamamagitan ng aming mga talento. At sa lahat ng ito, nagpapasalamat kami sa Diyos na siyang tunay na nag plano ng lahat ng kailangan naming gawin at tapusin. Para po sainyong lahat ang show na ito. Asahan niyo po ang aming dugo’t pawis sa paghahanda para maibigay po sainyong lahat ang isang gabing hinding hindi niyo makakalimutan. Mahal po namin kayo. Karangalan ko po ang makasama ka sa show na ito Ms. K Brosas ❤️ Sa July 12 na po Friday, ang “ANGELINE K’ TO” Concert namin to sa Araneta Coliseum. Pwede niyo na pong mabili ang mga tickets online sa ticketnet.com.ph 9115555 ❤️❤️🙌🏻🙌🏻

A post shared by Angeline Quinto (@loveangelinequinto) on

 

 

 

Kuwento ni Angeline ibang excitement na ang kanyang nararamdaman para sa kanilang kanilang unang beses na pagsasama sa concert stage.

“May ilang shows na ako na ginawa dito sa Araneta, pero ito yung first time na makakasama ko si Ate K,” sabi ni Angeline.

Ang first timer naman sa Araneta na si K Brosas, hindi inasahan ang pag suporta sa kanya mga fans ni Angeline.

“Oo first time ko dito. Ito din ang unang beses na makikibaka ako sa mga fans ni Angeline (hiyawan fans) ayan bungol na po ako. Hindi pero may mga fans din ako dyan kaya maraming salamat,” sabi pa ni K.

Mapapanood si Angeline at K sa Angeline K To concert ngayong July 12 sa Araneta Coliseum sa direksyon ni John Prats.