• Home
  • Fresh Scoops
  • Kiko Pangilinan, may reaksyon sa swimsuit photo ng anak na si Frankie

Kiko Pangilinan, may reaksyon sa swimsuit photo ng anak na si Frankie

‘Be careful on what you post online,’ sabi ni Kiko Pangilinan para sa anak, matapos itong mag-post sa Instagram ng kaniyang swimsuit photo.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

6/15/2019 12:36 PM
Kiko Pangilinan, may reaksyon sa swimsuit photo ng anak na si Frankie


Proud daddy si Kiko Pangilinan sa kanyang panganay na anak na si Frankie Pangilinan, matapos nitong gumraduate ngayong taon. Sa kanyang guesting sa Magandang Buhay kahapon June 14 kasama ang mga anak sina Frankie at Miel, ikinuwento ng senador ang pagiging emosyonal niya sa graduation ceremony ng kaniyang anak. 

"Nung graduation nga niya, maluha-luha ako, dahil alam ko yung mga pagsubok na naranasan niya. Pero umabot pa rin doon sa graduation," ani Kiko sa mga momshie hosts.

LOOK: Frankie Pangilinan graduates from high school

Pag-amin pa ni Frankie, sa bihirang pagkakataon lang niya nakikitang umiyak ang ama. "I've only seen my dad [cry] three times po. Tapos when I came in to the graduation hall tapos naglakad ako papuntang stage, nakita ko po siyang may handkerchief," sabi ni Frankie.

Sa parehong interview ng morning talk show, hiningan ng momshie hosts ng reaksyon ni Kiko sa kamakailang nag-viral na Instagram post ni Frankie, kung saan ay ipinakita ng dalaga ang larawan nang naka-bikini sa Boracay.

"She's already 18, but just be careful on what you post [online]. Sabi nga nila, once it's up there, it will always be there," payo ni Kiko sa anak.

Napag-usapan sa social media ang nakaraang post ni Frankie, kung saan ay nag-iwan din ng payo ang kaniyang ina na si Sharon Cuneta tungkol sa paglilimita ng mga ipapakita sa larawan. 

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

sun-smooched

A post shared by kakie (@frankiepangilinan) on

 

Sharon Cuneta tells daughter Frankie to not show too much skin online

Sa kabila ng mga payo ng mga magulang, hindi ito naging isyu kay Frankie na 18 years old na sa ngayon. "I think I always have healthy conversations with mama. Tsaka my mommy and daddy, they both always make sure na we're in a healthy place when it comes to social media. So they taught us naman po how to be responsible," paglilinaw ng dalaga.

"Pero at the same time po he's always being very supportive naman of our goals, of our feelings, of everything. Because he'll (Kiko) remain the pillar of strengths for us.

"He doesn't really expect us to always rigid naman all the time," dagdag ni Frankie.

Si Frankie ang ang panganay sa tatlong anak nina Sharon at Kiko.