• Home
  • Fresh Scoops
  • Dingdong Avanzado, may ibinunyag tungkol sa pagkakaibigan nina Jayda at Darren Espanto

Dingdong Avanzado, may ibinunyag tungkol sa pagkakaibigan nina Jayda at Darren Espanto

‘Even before Jayda entered show business, magkaibigan na sila ni Darren (Espanto),’ ayon kay Dingdong Avanzado.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

6/15/2019 12:24 PM
Dingdong Avanzado, may ibinunyag tungkol sa pagkakaibigan nina Jayda at Darren Espanto


Photo credit: @dingdongavanzado on Instagram

Sa Father's Day special ng morning talk show na Magandang Buhay, ikinuwento ng proud daddy na si Dingdong Avanzado ang mga challenges ng pagkakaroon ng anak sa show business. Ayon sa singer, magkasama sila ng kaniyang asawa na si Jessa Zaragoza sa pagbabalanse ng mga kailangan ng anak sa industriya.

"For any father na magkaroon ng isang teenager lalung lalo na pumasok siya sa karera na masasabi mong hindi easy, yung karera ng music and showbiz, it's very challenging," pahayag ni Dingdong.

Pag-amin din ni Dingdong, nagkaroon lang siya ng social media accounts para mabantayan si Jayda. "Just to keep up, and to find out also ano ang mga ganap lalo na kay Jayda. We have to be there to see kung hindi siya napapariwara, pati yung mga post niya dapat aware [kami]," paliwanag ni Dingdong. 

 

 

Sa pagpapatuloy ng interview, hindi naman naiwasang tanungin si Jayda tungkol sa hinihinalang pagkaka-mabutihan nila ni Darren Espanto. 

"He's very special to me, in a sense na sobrang malapit kami sa isa't-isa. He's a very close friend of mine, we're just there to support each other po," ani Jayda. 

Agad din namang nagbahagi ng kuwento si Dingdong tungkol sa pagkakaibigan ng anak at ni Darren. "Even before Jayda entered show business, magkaibigan na sila ni Darren. They were already friends, they were communicating na sa States, while si Darren ay nasa Canada.

"So it's true that they were really close. And I appreciate that. Si Darren is one of the nicest guys I've met. Really mabait na bata, magalang," dagdag ni Dingdong. 

Si Jayda ang solong anak nina Dingdong at Jessa. Sa edad na 16 years old, bukas ang mag-asawa sa pagsuporta sa karera ng anak, simula nang opisyal na naglabas ito ng EP noong nakaraang taon.