Baninay Bautista, nakabili na ng sariling van

Baninay Bautista, tinawag ang kanyang bagong sasakyan na ‘VAN-inay.’

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

6/15/2019 11:36 AM
Baninay Bautista, nakabili na ng sariling van


Photo credit: @baninaybautista on Instagram

Masayang ibinalita ng former Pinoy Big Brother housemate na si Baninay Bautista na nakapagpundar na siya ng bagong van at tinawag niya itong “VAN-inay.”

“Hard work pays off (kahit mukha akong dakilang tambay madalas),” ani Baninay.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

VAN-inay 😇 . . . hard work pays off (kahit mukha akong dakilang tambay madalas) 😅

A post shared by BANINAY (@baninaybautista) on

 

Matapos maging housemate sa loob ng bahay ni Kuya, mas lalo pang tinangkilik si Baninay ng publiko dahil sa kanyang YouTube channel.

Isa na ngayon si Baninay sa mga kilalang lokal na vloggers.

Isa rin si Baninay sa mga unang celebrity vloggers na nakatanggap ng Silver Play Button Award.

Read: Baninay Bautista receives Silver Play Button award from YouTube

Sa ibang panayam naman ay sinabi ng Pinoy Big Brother Otso housemate na si Fumiya Sankai na gusto niya ring maka-collaborate sa kanyang vlog si Baninay. Si Fumiya ay isa ring vlogger bago pa pumasok sa loob ng bahay ni Kuya at mayroon na siya ngayong mahigit isang milyong subscribers.