• Home
  • Fresh Scoops
  • Anak ni Bayani Agbayani, boyfriend ang kapatid ni Bea Alonzo

Anak ni Bayani Agbayani, boyfriend ang kapatid ni Bea Alonzo

Bayani Agbayani, hindi nangingialam sa love life ng mga anak niya.

BY CRISTINA MALONZO-BALANE

Follow me @cristinatampepe

FRESH SCOOPS

6/15/2019 1:02 PM
Anak ni Bayani Agbayani, boyfriend ang kapatid ni Bea Alonzo


Photo credit: @bayaniagbayani on Instagram

Sa Tonight with Boy Abunda, inilarawan ni comedian Bayani Agbayani ang sarili niya bilang ama sa apat niyang anak na babae. Ayon kay Yani, “Ako ang ama na kaibigan ng mga anak ko. Ako ang ama na laging nakakaunawa kung ano yung ugali ng mga millennial ngayon.”

Hindi rin daw nangingialam si Yani sa love life ng mga anak niya, kundi “naga-guide ako kung papaano nila makakamtan ang mga pangarap nila.” 

Inamin naman niya na boyfriend ng anak niyang si Thalia ang kapatid ni Bea Alonzo na si James Carlos. Kuwento ni Yani, schoolmates sina James at Thalia sa isang culinary school. 22 years old na ngayon si Thalia.

Nakakalaro na rin diumano ni Yani ng basketball si James bago pa man nagkakilala si Thalia at James. “Nakaka-basketball ko na siya, kami nila Vhong Navarro sa Reyes gym,” sabi ng comedian.

“Kaya nung pagdating niya ng bahay namin, (sabi niya) ako po yung nakakabasketball niyo. (Sabi ko) A ikaw pala. Nung bandang huli sinabi niyang liligawan ko po sana si Thalia, aakyat ako ng ligaw. Sabi ko sana sinaktan kita nung dating nagba-basketball tayo,” nakakatawang kuwento ng aktor. 

Bawi naman ni Bayani, “Bumilib ako sa kanya kasi ang totoong lalaki at magalang na bata, pupunta talaga sa bahay.” 

READ: Wow! Ganito pala ka-mapagmahal si Bayani Agbayani sa kanyang asawa