• Home
  • Fresh Scoops
  • Senator Grace Poe: ‘Protektahan natin ang mga nagta-trabaho sa set’

Senator Grace Poe: ‘Protektahan natin ang mga nagta-trabaho sa set’

Senator Grace Poe, may paalala matapos ang nangyaring aksidente sa aktor na si Eddie Garcia habang nasa set ng isang TV show.

BY CRISTINA MALONZO-BALANE

Follow me on ig and tw: @kwentoph

FRESH SCOOPS

6/14/2019 12:35 PM
Senator Grace Poe: ‘Protektahan natin ang mga nagta-trabaho sa set’


Sa ulat ng TV Patrol, may paalala si Senator Grace Poe matapos niyang ikabahala ang nangyari sa aktor na si Eddie Garcia na hanggang ngayon ay nasa comatose state pa rin sa Makati Medical Center.

Ayon sa Senadora, “Protektahan natin ang ating mga nagta-trabaho sa set. Lalong-lalo na kung action scene.”

Napatid ang beteranong aktor sa cable wire sa set ng isang palabas kung saan kabilang ng aktor, na naging cause naman ng neck injury na nagbunsod ng present condition ng aktor.

Hindi rin daw nagsasalita si Senator Poe para manisi kundi para magpaalala lang, “Hindi sa pagsisisi maski na kanino, pero importante may naka-standby sana na doctor o medic.”

Isa si Senator Poe sa mga dumalaw sa beteranong aktor sa ospital matapos mabalitaan ang nangyari. 

READ: Eddie Garcia, still on life support