• Home
  • Fresh Scoops
  • PANOORIN: Anne Curtis, Nadine Lustre, bumida sa music video ng ‘Di Lahat’ ni Donnalyn Bartolome

PANOORIN: Anne Curtis, Nadine Lustre, bumida sa music video ng ‘Di Lahat’ ni Donnalyn Bartolome

Ilang Kapamilya stars ang spotted sa music video ng bagong single ni Donnalyn Bartolome na ipinalabas sa unang pagkakataon noong nakaraang Miyerkules.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

6/14/2019 2:51 PM
PANOORIN: Anne Curtis, Nadine Lustre, bumida sa music video ng ‘Di Lahat’ ni Donnalyn Bartolome


Photo credit: Screenshot from Donnalyn Bartolome's YouTube video

Ilang Kapamilya stars ang spotted sa music video ng bagong single ni Donnalyn Bartolome na ipinalabas sa unang pagkakataon noong nakaraang Miyerkules.

Sa bidyo na ngayo'y mapapanood sa YouTube, tampok sina Anne Curtis, Nadine Lustre, at Yassi Pressman bilang "magagandang babae" sa "'Di Lahat", ang sagot ng Viva singer sa '90s hit ng rapper na si Andrew E. na "Humanap Ka Ng Panget". Dito ay napasabay ni Donnalyn ang nasabing mga aktres sa dance moves ng kanyang kanta na una nang ni-launch noong nakaraang taon. 

Bukod kina Anne, Nadine, at Yassi, bumida rin sa music video sina Alex Gonzaga, Loisa Andalio, Sofia Andres, Sue Ramirez, Jane de Leon, at Lauren Reid. 

Mismong si Donnalyn ang nag-direct ng nasabing bidyo na sa ngayon ay nasa 10th spot ng trending list ng YouTube Philippines. 

Sa kasalukuyan ay may higit na sa 490,000 views ang music video ng "'Di Lahat".