Jessy Mendiola, inaming mukha siyang mataray

Jessy Mendiola, ginawa ang ‘assumption challenge’ sa kanyang YouTube channel.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

6/14/2019 11:32 AM
Jessy Mendiola, inaming mukha siyang mataray


Photo credit: @senorita_jessy on Instagram

Sa pinakabagong vlog entry ni Jessy Mendiola ay mas nakilala pa siya ng kanyang followers dahil sa ginawa niyang challenge kung saan binasa niya ang mga ‘assumptions’ o first impression ng mga tao sa kanya.

Karamihan ng kanyang nabasa ay mukha siyang ‘unapproachable,’ ‘mataray,’ at ‘suplada.’

Hindi naman itinanggi ng aktres na kadalasan ay ‘yon nga ang akala sa kanya dahil daw siguro siya ay may mahiyain sa personal at hindi rin siya kaagad na nagiging friendly dahil baka isipan siyang ‘feeling close.’

“Yes yun yung laging assumption sa’kin, na mataray ako,” aniya.”

“Siguro dahil iniisip nila na mataray ako, suplada ako, baka hindi nila ako gustong lapitan but seriously, if you want to approach me, to talk to me, I’d be more than glad to talk to you,” dagdag pa niya.

Inamin din niyang ngayon na lang din siya naging komportable sa pakikipag-usap sa ibang tao at naging makulit mula nang mag-vlog siya at maging girlfriend ni Luis Manzano.

“Nahawa ako sa kakulitan niya. Nakakahawa pala ang kulit? Napansin ko, most of nakikita ko ngayon palaging ‘mataray,’ ‘suplada,’ ‘masungit,’di lang din talaga ako masyadong ma-chika pag hindi ko kakilala and siguro yung face ko rin kasi pag wala akong kakilala hindi naman ako nagsa-smile palagi,” sambit niya.

“I try my best but if you really think that I’m suplada please approach me and find out.”

May isa ring netizen na nagsabing, “At first I hate you because of an issue. But as I follow you on IG, I love how you love yourself.”

“Thank you, I think that’s my main goal. Gusto ko mapakita sa tao na even if I’m judged and even if maraming may ayaw sa akin it doesn’t mean na dapat hindi mo mahalin ang sarili mo,” aniya.

“Ang importante mahal mo ang sarili mo, mahal ka ng mga tao sa paligid mo and ni Lord,” dagdag niya.

Inamin naman din ni Jessy na siya ay maarte pagdating sa self-care.

“Siguro maarte ako pagdating sa self care, kunwari yung skin. Dati wala akong kapake-pake pero gano’n pala ‘yon as you grow older mas mare-realize mo na important na mag moisturize ka every night… Pwede naman maging maarte, hindi naman masama maging maarte, siguro depende kung gaano kaarte.”

Sa vlog na ito ay sinabi rin niyang all out talaga siyang umibig.