• Home
  • Fresh Scoops
  • Jake Cuenca inamin na pitong buwan na silang masaya ni Kylie Verzosa

Jake Cuenca inamin na pitong buwan na silang masaya ni Kylie Verzosa

Sinabi ng aktor na si Jake Cuenca na mahal na mahal niya ang 2016 Miss International Kylie Verzosa.

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

6/14/2019 4:16 PM
Jake Cuenca inamin na pitong buwan na silang masaya ni Kylie Verzosa


Bakas ang mga kilig sa mukha ng Kapamilya actor na si Jake Cuenca nang tanungin ito sa tunay na estado nila ng beauty queen-actress na si Kylie Verzosa.

Sa panayam ng media sa presscon ng Kontradiksyon movie, inamin ng aktor ang kanyang pagmamahal kay Kylie.

 

“I can only answer for me, kung ako ang tatanungin to confirm it, I’d rather we both are there at the same time and sagutin together, ‘di ba? Pero if you ask me like I said I’m very open about what I feel, I do love her,” bungad ng aktor.

“From the bottom of my heart, mahal na mahal ko siya, this is the happiest I’ve ever been,” patuloy pa niya.

Kuwento pa ni Jake, masaya siya na naging parte ng kanyang buhay ngayon ang 2016 Miss International.

READ: Jake Cuenca confirms dating status

“I’m happy that I met her in this time of my life. At 31, I’m more mature when it comes to relationships, mas disiplinado ako ngayon, mas mature ako and I know na parang, I can take care of her. And that’s why I work every, I want to deserve her everyday,” sabi ni Jake.

At kung tatanungin din ang aktor,  handa na din umano siya na pumasok sa isang relasyon: “Two years ko inayos ang sarili ko, so two years ako nakapag-focus sa career, ‘di ba ako kasi pagsinabi kong focus sa career, I mean it. I was gonna do theater, I was gonna study sa States, do so many movies and TV shows then I did. Ngayon two years later, I’m ready to be in a relationship,” paliwanag pa niya.

SEE: Jake Cuenca and Kylie Verzosa Insta-kilig moments

Isa pa sa inamin ni Jake, halos mag isang taon na din silang magkasama ni Kylie at masayang ini-enjoy ang kanilang matamis ma pagtitinginan. 

“We’ve been dating na for about seven months, it’s that good!” matipid na tugon ni Jake ng tanungin kung ilang buwan na ang kanilang relasyon.

Malaki din ang pasasalamat ng aktor sa tadhana dahil nagkaraoon siya ng pagkakataon na maka-trabaho muli si Kylie, na unang nakilala niya sa Ang Panday movie noong 2017.

“Kylie is such an amazing person, noong una ko pa lang siya nakita sa Ang Panday parang naging crush ko na siya, but she was in a relationship at that time parang I knew na magkaka-trabaho ulit kami, and nagkataon na pinag-partner kami sa Los Bastardos,” pahayag pa ni Jake.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

Extra cheese please! 🧀🧀🧀 @kylieverzosa @shakeshackph @shakeshack

A post shared by Jake Cuenca (@juancarloscuenca) on