• Home
  • Fresh Scoops
  • EXCLUSIVE: Pokwang, ikinuwento kung paano nabuo ang ‘Malia Malia’ song

EXCLUSIVE: Pokwang, ikinuwento kung paano nabuo ang ‘Malia Malia’ song

Matapos pumirma ng bagong kontrata sa ABS-CBN, excited na rin si Pokwang dahil mapagpapatuloy niya na ang pagpapatayo ng beach house sa nabiling lupa sa Bataan.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

6/14/2019 11:48 AM
EXCLUSIVE: Pokwang, ikinuwento kung paano nabuo ang ‘Malia Malia’ song


Proud na ikinuwento ni Marietta 'Pokwang' Subong ang nakakaaliw na istorya sa pagkakabuo ng kanta ng kaniyang one-year old daughter na si Malia. Ayon sa komedyante, nagsimula ang lahat nang napansin ng mga boss ng Star Music na sina Roxy Liquigan at Rox Santos ang angking biba ni Malia.

"Bilang ang mga kumare, [at] mga ninong na sina Roxy Liquigan tapos si Rox Santos, nag-uusap usap kami - [sabi nila] 'Anak mo napaka kulit, ang biba biba. Madaldal na ba? Oh i-record mo yung pinagsasasabi, tapos i-forward mo sa amin, gagawan namin ng single yan,'" kuwento ni Pokwang sa interview ng PUSH, matapos ang contract singing sa ABS-CBN.

"So nirecord ko siya habang naglalaro, tapos finorward ko sa kanila, tapos ayun inarrange, ang galing ‘di ba? Etong sina Rox Santos tsaka si Roxy, mga matalinong tao yan e," pagpapatuloy ng komedyante.

Matapos mabuo at ilabas ng Star Music ang opisyal na single ni Malia na may pamagat na “Malia Malia” nitong Abril, ay paulit-ulit na raw nilang pinapatugtog at sinasayaw ito sa bahay. "Ang saya, sa bahay ginagawa naming sayaw sayawan, nagiging bonding namin sa bahay," ani Pokwang.

 

WATCH: Baby Malia O’Brian is now a recording artist

Sa ngayon, may plano na ring bumuo ng isa pang single sina Pokwang para sa darating na Pasko.

Samantala, sa parehong interview din, malaki ang pasasalamat ni Pokwang dahil sa mga bagong proyektong inihahanda ng ABS-CBN para sa kaniya.

"Diba [pumirma] ako ng kontrata, [so] ibig sabihin tuloy-tuloy ang blessings tuloy-tuloy ang trabaho, so mapapatayuan ko na siya, finally after 10 years. Hindi ko kasi masyado napag-iintindi nung nakaraan dahil sobrang busy. So this time kailangan na nating mag-invest into realty," pahayag ni Pokwang. 

READ: Pokwang, makakapagpatayo na ng beach house

Kasalukuyang naghihintay na lang ng designs si Pokwang para magsimula na ang paggawa ng pangarap na beach house sa Bataan.