Empoy Marquez, bilib kay Coco Martin

Isa si Empoy Marquez sa mga bagong karakter ng FPJ’s Ang Probinsyano.

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

6/14/2019 12:00 PM
Empoy Marquez, bilib kay Coco Martin


Photo credit: @empoy/ @mr.cocomartin on Instagram

Umaapaw na papuri ang tanging nasasabi ng komedyante na si Empoy Marquez tungkol kay Coco Martin na bida at direktor ng FPJ’s Ang Probinsyano.

Isa kasi si Empoy sa nga kinagigiliwan na karakter ngayon bilang “Police Asset” na panig sa grupo ni Cardo Dalisay na patuloy ang pakikipag laban sa masasamang loob sa tumitinding kuwento ng Kapamilya series.

“Working with Coco is sobrang masasabi ko na napakagaling niya bilang actor. Sobrang galing din niya na director. Siya na din kasi nagsusulat ng script. Minsan siya pa ang mag wardrobe doon,” kuwento pa ni Empoy sa naging panayam ng PUSH sa kanya.

At sa kanyang karera bilang isang komedyante, hanga din daw si Empoy sa dedikasyon ni Coco para sa programa.

“Natutuwa ako sa kanya kasi first time ko nakakita ng ganun na artista, which is hindi naman kami nagkakalayo ng edad, proud ako sa kanya,” sambit pa ni Empoy.

Sa kabila naman ng abala sa taping, isa din sa pinupuri ni Empoy kay Coco ang pakikipag-bonding nito sa kanilang mga bida ng programa 

“Actually magkakaiba kami ng tent, pero minsan may time na doon niya pinapapunta sa tent niya. One time pinapunta niya ako sa tent niya doon niya ako pinag-dinner. Kuwentuhan kami habang pinapanood ang Probinsyano dinner break, nag kuwentuhan kami about life, kung saan siya galing,” sabi pa ni Empoy.

Sa ngayon, gabi-gabi pa din na na napapanood si Empoy sa Ang Probinsyano