• Home
  • Fresh Scoops
  • Shaina Magdayao, inaming ‘malaya’ pa rin ang kanyang puso

Shaina Magdayao, inaming ‘malaya’ pa rin ang kanyang puso

Ilang taon na ring single si Shaina Magdayao ngunit na-link na naman ito kay Piolo Pascual kamakailan.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

6/13/2019 5:39 PM
Shaina Magdayao, inaming ‘malaya’ pa rin ang kanyang puso


Photo Credit: @shaina_magdayao on IG

Bagama’t nauugnay muli sa aktor na si Piolo Pascual, inamin ni Shaina Magdayao sa kanyang panayam sa Magandang Buhay na wala pa ring nagmamay-ari ng kanyang puso.

"Malaya pa rin naman. Malaya pa rin naman ang aking puso, importante 'yon," ani Shaina.

“Laging masaya [ang aking puso] especially maraming magagandang nangyari sa akin ngayong taon na hindi ko talaga in-expect, promise, kaya nagpapasalamat ako," dagdag pa niya.

Nakasama rin ni Shaina si Piolo sa pelikula ni Lav Diaz na The Halt (Ang Hupa) at umattend pa ang dalawa ng Cannes Film Festival nang dahil dito.

"Kasi marami kaming mga proyektong napagsamahan na hindi namin in-expect na makakarating sa ibang bansa. 'Yung Season of the Devil (Panahon ng Halimaw), siya rin 'yung kasama ko roon. So, kumbaga ang daming celebration na na-si-share namin. Even itong film na ito ni wala kaming eksena together, sabay naman naming na-experience 'yung Cannes Film Festival. Siyempre nagpapasalamat ako na nandiyan siya at kasama ko siyang ma-experience 'yung ganitong mga magagandang bagay," kwento ng aktres.

Dagdag pa ni Shaina, hindi naman niya inaasahang makasama si Piolo sa kanyang mga proyekto ngunit andiyan ang aktor tuwing napapa-isip ito sa sariling abilidad pagdating sa pag-arte.

"Hindi talaga namin in-expect. And 'yung tulong niya sa akin pagdating kay Direk Lav — kasi parang panibagong mundo. Kumbaga dina-doubt ko pa ang sarili ko kasi puro stage actors ang kasama ko: sina ate Pinky Amador, Bituin Escalante. Sabi ko, 'Ano ginagawa ko rito, bakit ganito? Paano ito?' So P was there to reassure me na, 'Tama ang ginagawa mo.’”

Sa kanyang huling panayam, sinabi niyang nasa ‘past, present’ o baka na rin sa ‘future’ niya si Piolo.

Read: Shaina Magdayao says Piolo Pascual has been in her ‘past, present’ and maybe her ‘future’

"Hindi ko alam 'yung future pero nagpapasalamat ako na kasama siya sa past ko at nandito pa rin siya sa present ko," she said.