• Home
  • Fresh Scoops
  • Kathryn Bernardo: ‘Grabe yung respect ko sa mga OFWs lalo’

Kathryn Bernardo: ‘Grabe yung respect ko sa mga OFWs lalo’

Kathryn Bernardo, lalong tumaas ang respeto sa OFW dahil sa pelikulang ‘Hello Love Goodbye’

BY CRISTINA MALONZO-BALANE

Follow me on ig and tw: @kwentoph

FRESH SCOOPS

6/13/2019 11:35 AM
Kathryn Bernardo: ‘Grabe yung respect ko sa mga OFWs lalo’


Photo credit: @bernardokath on IG (left)

Sa ulat ng TV Patrol, excited ang mga bida ng pelikulang Hello Love Goodbye na sina Kathryn Bernardo at Alden Richards dahil bukod sa tapos na ang pag-shoot nila ng pelikula sa Hong Kong ay nailabas na rin ang teaser/ trailer para sa nasabing film project. 

READ: Alden Richards, inilarawan kung paano katrabaho si Kathryn Bernardo sa kanilang pelikula

Mas naappreciate ni Kathryn ang buong experience dahil sa hirap na dinanas nila habang ginagawa ang pelikula. “Talagang naakap ko yung buhay Hong Kong, kasi ang tagal, tapos mahirap yung buong experience.”

Isa na sa kinalaban ni Kathryn habang ginagawa ang pelikula ay ang homesickness. “Na-homesick. Grabe yung respect ko sa mga OFWs lalo. Kasi yung tatlong linggo ko dun my God, feeling ko ilang taon na ako,” ayon sa aktres.

Small crew lang din daw sila kaya naranasan nila Alden ang magbuhat ng mga gamit kasama ng mga crew. Ayon pa kay Alden, proud siya sa pelikulang Hello Love Goodbye dahil, “The hard work blood, the tears to do this film. Sobrang proud ko dito dahil binigay ko lahat, lahat kami.”  

Proud din si Kathryn na nakaranas daw ng personal growth sa pagawa ng pelikulang ito, “Super proud ako. Hindi lang sa project, maybe sa growth din na na-experience ko while making this film.” 

READ: Kakai Bautista, ibinahagi ang working experience kasama si Kathryn Bernardo at Alden Richards