EXCLUSIVE: Ana Capri weds Australian boyfriend

Three years nang magkasintahan sina Ana Capri at ang BF nitong si Dave bago nagdecision ang dalawa na dalhin na sa next level ang kanilang relasyon.

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

6/13/2019 3:05 PM
EXCLUSIVE: Ana Capri weds Australian boyfriend


Photo credit: Ana Capri

Ikinasal na ang award-winning sexy actress na si Ana Capri sa kanyang Australian boyfriend na si Dave sa Australia noong May 13, 2019.

One month na silang kasal  nitong June 13 at halatang overjoyed ang aktres na finally ay nakatagpo siya ng lalaking mamahalin at magmamahal sa kanya ng tunay.

Post ni Ana sa FB, “I’m truly lucky to find a husband so amazing, crazy, perfect, out of 1 in a billion! Happy first month Dave.

“Ur my baby, my hubby, my bestfriend, my adventure partner, my dream come true. Looking forward living each day and a lifetime waking up and sleeping beside you.

“I love loving you and being loved by you.”

Sa exclusive interview ng PUSH kay Ana thru Messenger ay pumayag ang aktres na magbigay ng konting detalye about her wedding.

Nakiusap lang siya na huwag nang i-include ang last name ng husband niyang si Dave sa article namin dahil very private daw ito.

Si Dave ay isang businessman who also works in one of the largest gas companies in Australia.

Bakit nga ba siya nagdesisyon ng magpakasal?

Sagot niya sa amin, “Calling ni God. We finally found each other and we realized that it's time for us to start a next major journey in our relationship.”

Ayon kay Ana, three and a half years tumagal ang pagiging magkasintahan nila ni Dave bago nila napagdesisyunang magpakasal.

Eh, kumusta naman ang wedding ceremony nila sa Australia?

“It was a very intimate wedding attended by immediate family,” pag-amin ni Ana.

Dagdag ng aktres, “It was held in one of the famous mountain retreat hotel resorts in New Australia.

“Very in touch with nature ang setting. Even the menus and drinks like wine and champagne are well picked for every course.

“Beautiful wedding just the way we wanted.”

Pansamantalang naka-base ngayon sa Australia si Ana.

“Australia po kami base.Temporarily lang po. I will come back probably when there's right opportunity, very tempting project and if time permits me as well,” sabi pa niya sa PUSH.

Si Ana ay huling napanood sa ABS-CBN hit series na Ngayon at Kailanman na pinagbidahan nina Joshua Garcia at Julia Barretto.

Babalikan pa ba niya ang pag-arte?

“Acting is big part of me. It’s who I am. I believed I have worked my way that I established myself well enough to be able to have the time for a new chapter naman in my life.

“For now, I am wanting to enjoy being a wife and hopefully a mother soon. All in God’s grace and with the loving hands of my husband Dave,” huling pahayag ni Ana sa PUSH.