• Home
  • Fresh Scoops
  • Cherie Gil, may warning sa mga tumatawag sa kanya ng ‘tita’

Cherie Gil, may warning sa mga tumatawag sa kanya ng ‘tita’

Cherie Gil, ipinaliwanag kung bakit ayaw niyang tinatawag siya na ‘tita.’

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

6/13/2019 10:26 AM
Cherie Gil, may warning sa mga tumatawag sa kanya ng ‘tita’


Photo credit: @macherieamour on Instagram

Pinaninindigan ng aktres na si Cherie Gil ang sinabi niyang “Don’t Call Me Tita” na patama sa mga co-stars niya at sa artistang hindi naman close sa kanya at hindi rin niya kamag-anak.

Ayon sa kuwento ng award-winning actress, nagising siya isang umaga na mainit ang kanyang ulo kaya niya sinulat ang “Don’t Call Me Tita.”

“Ang unang-unang inilagay ko, ‘Never call me Tita.’ Tapos, ipinasa na ni Lea Salonga, she posted it and shared it and, somehow, it became viral to the point na blogs were written about it.

“It became a social issue. Yon pala, marami na ang nag-a-identify sa akin na mga women my age, who actually find it awkward to be called ‘tita’ just because it’s meant that you’re older.

“So yun, naging usap-usapan, dun na nag-start,” kuwento ng award-winning actress.

Eh, sino lang ba ang puwedeng tumawag sa kanya ng tita?

Sagot niya, “Para sa akin kasi, kokonti lang ang puwedeng tumawag sa akin na Tita. Yung mga kilala ko. I uphold the term tita to those who really deserve the term tita like my nephews, nieces, and kids who I saw grow up, family friends.

“Hindi pa nga nagpapakilala sa akin, Tita na agad ang tawag. Ayoko na ng ganoon, di ba?  Just because you appeared on TV, I’m supposed to know you?” pagdidiin pa niya.

May insidente rin daw na kinonfront niya ang isang baguhang artista na tumawag sa kanya ng tita.

Sabi ni Cherie, “Pero hindi naman lecture. ‘Pamangkin ba kita?’ But I do it in a way na joking lang. They don’t really get offended naman.

“Madami ‘yan, mga assistant director, ‘Tita, dito po kayo.’ ‘Ah, excuse me, kailan ba kita naging pamangkin?’”

Hindi rin bet ni Cherie ang ginagawang paghalik sa kanya ng ibang artista bilang sign ng pagbati.

Babala niya, “Never ever kiss me in greeting, out of so called politeness and courtesy, if I don’t know who the hell you are. Introduce yourself first.”

Dagdag ng aktres, “Yung beso nila, di ba, may nagbebeso sa noo, ilong? Huwag na lang magbeso. May isang nagbebeso, nagbe-bend pa. I’ve already said it many times, don’t kiss if you don’t do it naturally.

“Sad na nawala yung mano. Maganda yung mano. May mga anak ng cameramen, pumupunta sa set, diretso sila sa isa’t isa, mano pa rin. Magandang tingnan.”