• Home
  • Fresh Scoops
  • Angeline Quinto at K Brosas, inaalay ang kanilang talento sa mga Pinoy

Angeline Quinto at K Brosas, inaalay ang kanilang talento sa mga Pinoy

Boy Abunda, may importanteng tanong kina Angeline Quinto at K Brosas ngayong Independence Day.

BY CRISTINA MALONZO-BALANE

Follow me @cristinatampepe

FRESH SCOOPS

6/13/2019 11:09 AM
Angeline Quinto at K Brosas, inaalay ang kanilang talento sa mga Pinoy


Sa Tonight with Boy Abunda, sinimulan ni King of Talk at host Boy Abunda ang show ng isang importanteng katanungan: How am I able to serve the Philippines with love? 

Ito ay para suriin ng mga manunuod ang kanilang sarili para sa Independence Day celebration ng bansa kahapon, June 12. Ayon sa batikang host, ginagawa niyang pagsilbihan ang mahal niyang Pilipinas sa pamamagitan ng mga sumusunod: “Una… I voted in the last elections. I pay my taxes. I teach. I share my learnings that I got from the school and the students. I try to be the best of who I am. And in all the things that I do, I make my Nanay proud. 

Ganito rin ang tinanong ni Boy sa mga guests ng palabas na sina comedian K Brosas at singer Angeline Quinto. Sagot naman ni Angeline sa tanong, “Kakantahan ko ang buong Pilipinas ng isang love song.”

WATCH: Angeline Q‌uinto and K Brosas talk about their upcoming concert

Dagdag ni Angeline kung bakit niya ito gustong gawin, “Kasi naniniwala po ako na kapag naniwala ang isang tao sa love, maninitili po itong inspired at masaya.”

Pag-share din naman ng kanyang talent ang gustong ialay ni K Brosas sa Pinas. Ayon kay K, gusto niyang i-share ang talent niya sa pagpapatawa. “Sharing the gift of laughter. Ang pagpapatawa ay isang talent at gift. Walang science daw po yan e. Walang workshop…it’s either you have it or you don’t…”