• Home
  • Fresh Scoops
  • Shopee PH, nakipag-ugnayan sa DTI para malutas ang problema ng kanilang complainants

Shopee PH, nakipag-ugnayan sa DTI para malutas ang problema ng kanilang complainants

Nakipag-areglo ang Shopee Philippines sa mga complainants nila matapos ang gulo sa kanilang meet and greet promo.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

6/12/2019 12:22 PM
Shopee PH, nakipag-ugnayan sa DTI para malutas ang problema ng kanilang complainants


Umabot sa 148 shoppers ang dumulog sa Department of Trade and Industry (DTI) upang ireklamo ang online selling app na Shopee Philippines matapos magkagulo sa naganap na meet and greet promo nila para sa Korean group na BlackPink. 

May ilan sa mga nanalo ang hindi nakakuha ng kanilang ticket para sa event. Nasa 141 customers naman ang nagreklamo mismo sa Shopee Philippines. Ayon sa report ng ABS-CBN News, kinumpirma ng DTI na kasalukuyan nang nireresolbahan ang problema ng customers at nasa mahigit sampung customers na ang naareglo na ng Shopee Philippines.

“For now, Shopee is offering settlement and in fact there were settlements na nangyayari ngayon dito sa DTI, as requested by the complainants and those who are willing to be settled ng Shopee,” ani Ronnel Abrenica, na director ng DTI Fair Trade Enforcement Bureau.

Tuloy pa rin naman ang kasong administratibo laban sa online selling app dahil sa kanilang paglabag sa consumer act kung saan naiba ang mechanics ng kanilang promo.

“We found out that there was a deviation from the original promo mechanics, kasi it was found out na ang original deadline for submission of proof of purchase is June 1 but there were announcements na ginawa nilang May 25,” pahayag ni Abrenica.

Kung mapatunayang nagkasala, aabot sa P300,000 ang multa sa Shopee Philippines.