• Home
  • Fresh Scoops
  • Keempee De Leon, naging emosyonal sa mensahe para sa kaniyang unica ija

Keempee De Leon, naging emosyonal sa mensahe para sa kaniyang unica ija

Binalikan din ng ‘90s actor na si Keempee De Leon ang pinagdaanang karanasan sa pagiging first time dad noon.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

6/12/2019 12:37 PM
Keempee De Leon, naging emosyonal sa mensahe para sa kaniyang unica ija


Photo credit: @itssammiedeleon IG

Aminado ang Nang Ngumiti Ang Langit actor na si Keempee De Leon sa kaniyang biglaang paghahanda bilang first-time dad noong pinanganak ang unica ija niyang si Sam De Leon. Ayon sa aktor, naging katuwang niya ang mga tito niya dito. 

"Humingi ako ng mga advice from my titos, kung ano ang mga dapat gawin. And ako naman sinunod ko lang 'yon, and while my daughter is growing up, nag-grow na lang sa akin basta yung how I take good care of her, and ano yung mga needs niya. 

"Hindi na lang sarili ko to e. Kumbaga, panibagong buhay na 'to, buhay ng anak ko ‘to. So I want to dedicate my life to her, to work harder," kuwento ni Keempee sa episode ng Magandang Buhay noong June 10. 

Sa edad na 23, kasalukuyang nasa Amerika ngayon si Sam habang kinukumpleto ang internship bilang HRM (Hotel and Restaurant Management) graduate.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

Merry Christmas from my Dad & I to your family 🎄

A post shared by sams ♡ (@itssammiedeleon) on

Sa parehong episode ay isinurpresa din ng mga momshie hosts si Keempee sa isang video greeting mula sa anak niya. 

"I want you to know that I have a TFC here, so I watch your shows everyday and I'm updated. And know that I am very very proud of you. 

"You're also very, very protective which I completely understand, because I'm your only child, so that means no boyfriend until I get 30," pahayag ni Sam para sa ama ngayong Father's Day. 

Emosyonal naman na sinagot ito ni Keempee.

"Sammy thank you. Alam mo naman yung mga pinagdaanan ng daddy mo, alam mo naman ang mga naging problema. As long as nandiyan ka, mga kaibigan, pamilya, e lahat gagawin ko for you hangga’t may lakas ako, ibibigay ko lahat kung anong mga kinakailangan mo. 

"Just pray for me na to have more work, kasi this is for you, not for me, this is for your future. As long as nandito ako, buhay ako, malakas ako, lahat gagawin ko for you," nagpipigil na luhang pahayag ni Keempee.

Mapapanood araw-araw si Keempee sa teleseryeng Nang Ngumiti Ang Langit.