Ipinagmalaki ni Kakai Bautista ang kanyang role bilang OFW sa pelikulang Hello Love Goodbye ng Star Cinema kung saan kasama niya si Kathryn Bernardo ay Alden Richards.
Dito, naibahagi ni Kakai ang pagkasabik ng mga kababayang OFW sa Hong Kong habang sila ay nag-shooting doon.
“They're excited na ay! Ganyan! Nagte-take sila ng mga video pero kapag nagse-seryoso na si direk nakikinig naman sila and they love being with us... basta supportive sila sa amin,” kuwento ng actress-comedian.
Todo papuri naman si Kakai para sa naging performance ni Kathryn at Alden na first time na nakatrabaho ang isa’t isa.
“Bawal mag-usap kapag seryoso ang eksena pero nakakatuwa kasi oo nag-gel naman kami kapag nakatrabaho mo ang mga tao na sponge to learning talagang magje-gel kayo agad eh,” sabi pa niya.
Bukod sa tandem ni Alden at Kathryn, isa pa sa mga dapat abangan para kay Kakai ang mga eksena nila ni Maymay Entrata.
“Si Maymay dito abangan niyo! Si Maymay! (OFW din si Maymay?) Oo! Basta kapag napanood niyo ito,” kilig na pahayag ni Kakai.
Inaabangan na ngayon ang Hello Love Goodbye, sa direksyon ni Cathy Garcia-Molina.