• Home
  • Fresh Scoops
  • Jinkee Pacquiao, approve kay Heaven para sa anak na si Jimuel

Jinkee Pacquiao, approve kay Heaven para sa anak na si Jimuel

Hindi lang si Jimuel Pacquiao ang dumepensa sa kanyang girlfriend na si Heaven Peralejo kundi pati ang ina niyang si Jinkee.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

6/12/2019 10:09 AM
Jinkee Pacquiao, approve kay Heaven para sa anak na si Jimuel


Photo credits: @jinkeepacquiao IG (left), @pacquiao.emmanuel IG (right)

Dinepensahan kamakailan lang ni Jimuel Pacquiao ang girlfriend na si Heaven Peralejo sa mga nagsasabing hindi sila nababagay. Ayon sa report ng ABS-CBN News, may ilan pang nag-bash sa aktres at sinabing pera lang ang habol nito sa panganay na anak ni Manny at Jinkee Pacquiao.  

Pero mabilis ding kumontra ang ina ni Jimuel at sinabing approve sa kanya ang dalaga.  

"Tinanong ko siya kung Christian siya. Kasi yung advice ko sa kanila na, 'Maghanap kayo ng Christian,' " kwento ni Jinkee.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

Thanks @gaocdental now this girl likes my smile even more

A post shared by Emmanuel Pacquiao Jr (@pacquiao.emmanuel) on

"'Yung Christian talaga na malapit kay Lord, kasi 'yun, importante talaga 'yun sa akin. Ayun, ganu'n din naman sina Heaven," dagdag pa niya.  

Noong March ay umamin sina Jimuel at Heaven na sila ay magkasintahan na. Ikinwento ng former Pinoy Big Brother housemate kung paano sila nagkakilala ng panganay na anak ng boxing champ Manny Pacquiao. 

READ: #NewCoupleAlert: Jimuel Pacquiao at Heaven Peralejo, inamin na ang kanilang relasyon

“Two years ago, nasa Greenbelt lang kami ni mom, shopping, ganyan. Tapos biglang he saw us. Yung family niya, yung mga pinsan niya, tapos nagpa-picture lang sila,” sabi ni Heaven. Nagkita daw silang muli sa same venue after a year at doon na nagsimula ang lahat. 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

You have this incredible way of making my heart happy. 🧀🧀

A post shared by Heaven Lyan Salvador Peralejo (@heavenperalejo) on

Isang taon din daw nanligaw si Jimuel kay Heaven dahil sinigurado din daw siya na ready na siyang pumasok sa isang relasyon. Si Jimuel ang una niyang boyfriend. 

"Kasi ako naman po gusto ko makita yung effort. Naghihintay din po ako no'n ng sign. Hinihintay ko rin po na ready ako. Kasi siyempre ayoko naman pong pumasok sa first relationship ko nang nagmamadali," sabi ng young actress sa guesting nila sa Magandang Buhay.