• Home
  • Fresh Scoops
  • Gold Squad members Seth Fedelin at Andrea Brillantes, mabilis daw na naging close sa isa’t-isa

Gold Squad members Seth Fedelin at Andrea Brillantes, mabilis daw na naging close sa isa’t-isa

Bukod sa parehas na 'kalog,' parehas ding daw na mahilig sa mga classic OPM songs ang dalawa sa Gold Squad members na sina Seth Fedelin at Andrea Brillantes.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

6/12/2019 12:20 PM
Gold Squad members Seth Fedelin at Andrea Brillantes, mabilis daw na naging close sa isa’t-isa


Matapos ang opisyal na pag-pirma ni Seth Fedelin bilang isa sa mga bagong contract artists ng ABS-CBN noong June 10, masaya ang baguhang aktor sa oportunidad na nakukuha niya sa karera niya ngayon.

"Sobrang saya po, parang nanalo ako sa isang competition. Sobrang laking blessing po nito na magsa-sign ako ng contract na dati hindi ko naman iniisip, parang imposibleng magnyari. Eto nakikita niyo ako, iniinterview niyo ako," paliwanag ng dating housemate sa Pinoy Big Brother Otso.

READ: Seth Fedelin, bagong katambal ni Andrea Brillantes sa ‘Kadenang Ginto’

READ: Meet the ‘Gold Squad’ of the hit afternoon series Kadenang Ginto

Si Seth ang bumuo sa bagong barkadahan ng teleseryeng Kadenang Ginto. Bilang Gold Squad, kasama ni Seth ang kaniyang ka-love team na si Andrea Brillantes, at sina Kyle Echarri at Francine Diaz.

Dahil baguhan sa pag-arte, aminado si Seth na kinabahan siya noong unang nalamang si Andrea ang kanyang makakapareha sa pinaka-una niyang teleserye.

"Nung nalaman ko na si Blythe (Andrea) po yung [makaka]partner ko, siyempre kinabahan kasi matagal na siyang artista e, tapos ako bago lang," ani Seth.

Dagdag ng 16-year old actor, hindi naman naging mahirap ang pagiging close nila ni Andrea dahil marami silang pagkakapareha, tulad ng pagiging 'kalog' at pagiging paborito ang OPM. 

"Si Blythe po, parang parehas ko lang. Close agad kami, parehas kami ng ugali -- makulit siya, makulit din ako. Kaya parang kumportable, kaya kaibigan ko agad.

"Mahilig kami sa OPM, lagi kaming nagpapatugtog ng mga OPM na makaluma. Mga classic," paliwanag ni Seth. 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

Pare ko! 😊🤘🏻 @blythe

A post shared by Seth Fedelin (@imsethfedelin) on

Mapapanood sa Kapamilya Gold ang Kadenang Ginto araw araw. Maaari rin silang mapanood sa kanilang YouTube Channel na Gold Squad.